Kinaumagahan, buong araw na pinag-iisipan ni Jake ang mga sinabi ng babae sa dalampasigan. Itinago niya rin sa bulsa ang card na nakita. Lumilipad ang isipan niya kaya naman ‘di siya nakapagtrabaho nang maayos. Ang nangyari ay maaga na lamang siya umuwi na dala ang mga perang kusang binigay ng mga katrabaho at ng may ari ng Leyte Kaka Barber Shop, si Mamshi Charla. Pandagdag niya iyon sa ipon para sa pagpapagamot sa kanilang ina.
“Kuya!” Natauhan si Jake mula sa pagkakatulala nang marinig ang boses ng kapatid. Hapon na pala at ‘di niya na namalayan ang oras. Kasalukuyang nagpapahinga ang kanilang ina.
“Maaga po ulit kayo kuya ah? Ayos lang po ba kayo? Para po kasing wala kayo sa sarili niyo eh?” tanong ni Shane. Nagpakawala ng malalim na hininga si Jake at ngumiti sa kapatid.
“Ayos lang ang kuya, huwag mo na akong alalahanin. Ang alalahanin mo na lang ay ang pagtapos ng mga iniwang takdang-aralin sa inyo,” tugon ni Jake.
“Alam ko pong may problema kayo kuya, sabihin niyo na po sa akin. Isa pa, wala rin naman po akong takdang-aralin,” saad ni Shane. Napalunok si Jake at sisimulan na sanang sabihin ngunit narinig nilang pareho ang matinding pagdaing ng ina. Natatarantang pumasok sila sa maliit na silid at nakitang namimilipit na naman ang ina dulot ng sakit.
“Shane, humingi ka ng tulong ngayon din! Kailangan nating madala sa hospital si mama!” Hindi na nakasagot pa ito at sinunod na lang ang sinabi niya sa sobrang takot din.
“Ma, ma?! Kaunting tiis na lang po, kaunting tiis na lang. Hindi ko po hahayaang may mangyari sa inyong masama!”
___
Gabi na at nagpasya silang magkapatid na manatili sa ospital para bantayan ang ina. Ang sabi sa kaniya ng doktor ay kailangang maagapan na ito sa lalong madaling panahon sapagkat baka mas lumala pa. Ang pagdadalawang isip ni Jake ay nawala. Desperadong tinawagan niya ang numerong nasa card habang nasa labas ng silid ng ina.
Nakausap niya ang isang lalaki. Sinimulan siyang tanungin nito kung ano ang pakay niya kaya napatawag siya. Agad niya namang sinabi ang lahat-lahat at mahahalata sa boses niya ang pagkadesperado.
“Mr. Jake Pumpkin Kaene Diaz, binabalaan na kita ngayon sa papasukin mong trabaho. Hindi ito magiging bastang madali pero sigurado naman kami na dahil dito ay maipapagamot mo ang iyong ina. Una, kailangan mo pumunta sa Blue Marlin Restaurant dito sa Manila. Nais kang makausap ng boss ng RnJ Services. Confidential ang pag-uusapan ninyo. Nasa iyo kung magdududa ka o hindi. Kung interesado ka, ipaalam mo sa amin kaagad,” saad ng lalaking kausap. Kahit medyo may duda siya ay inalis na lang niya iyon. Napanalangin siya saglit na sana hindi nga ito budol.
“Interesado ako, gagawin ko ito para sa pamilya ko,” sabi niya at pinikit ang mga mata. Natuwa naman ang kausap ni Jake at ibinigay na nito agad ang eksaktong lokasyon ng Blue Marlin Restaurant na pupuntahan niya sa syudad.
“Bago pala matapos ang ating usapan, alalahanin mo ito. Kapag nakarating ka na roon ay lapitan mo ang babaeng singkit. May mahaba at straight na itim na buhok. Mapuputi ang kutis, nakasuot ng kulay pulang damit at may mga alahas o madalas hikaw lang niya na kulay ginto na makikita mong burloloy sa katawan. Sabihin mo sa kaniya ang pakay mo pagkatapos mo itong lapitan,” ani sa kabilang linya at nagpasalamat si Jake bago natapos ang usapan.
Kinaumagahan ay nagpaalam agad siya sa mga magulang. Saad niya’y may nahanap siyang trabaho na makakatulong na masolusyunan ang problema nila. Hindi nagpapigil si Jake, sa sumunod na araw ay nakarating din siya agad sa Manila sakay ng bus.
Pagkababa niya sa bus ay nagtanong-tanong siya sa mga taong nasa terminal hanggang matunton ang sinasabing restaurant ng nakausap. Pinapasok siya ng guwardiya, palaisipan sa kaniya kung bakit lalo na nakita niya ang senyas na sarado pa ito.
Pagkapasok ay naagaw ang atensyon niya ng isang babaeng kapapasok lang. Nakapula itong damit, may hikaw, porselas, kwintas, singsing at panali sa buhok na kulay ginto. Ang mga mata nito ay singit, maputi ang kutis, mahaba na straight ang itim na buhok.
“Magandang umaga.” Pagbati niya rito at ang singkit nitong mga mata ay nanlaki bigla.
“O.M.G! Ikaw iyong fafa roon sa dalampasigan!” Napangiwi si Jake pero natauhan nang mapamilyaran sa boses. Ito ang babaeng nakausap niya sa dalampasigan, sigurado siya.
“Ako nga pala si Ynnie Wan, ikaw?”
“Iniwan?” Nakakunot ang noo niyang tanong. Tumawa naman ito nang malakas.
“Hahahaha! Grabe ka fafa! Ang sakit! Pero seryoso ulit, Ynnie Wan ang pangalan ko. First name ko ay Ynnie. Spelling niya ay Y-N-N-I-E at ang apelyido ko naman ay Wan. W-A-N, Wan. Filipino-Chinese,” sagot ng babae na si Ynnie Wan at naunawaan na niya.
“Ako naman si Jake, Jake Diaz.” Pagpapakilala niya rin.
“Ang guwapo! Bagay na bagay sa ‘yo ang pangalan mo! Fafa na fafa looks talaga, looks yummy kahit no abs and big muscles! Oh siya, tara na at hinihintay ka na sa loob ng opisina ng boss.” Hindi na siya nagsalita pa. Sumunod na lang siya rito hanggang huminto.
“Maiwan na kita rito, nasa loob na ang boss. Babush fafa! See you again kapag tinanggap mo ang offer!” Napailing-iling si Jake matapos niyon saka nilakasan ang loob na pihitin ang door knob. Maingat siyang pumasok at sinara ang pinto. Nakatalikod ang lalaki kaya ‘di niya ang mukha nito.
“Jake Pumpkin Kaene Diaz?” Bigla itong humarap sa kaniya at ang seryoso. Nagsusumigaw ang awra nito ng karangyaan ng buhay.
“Yes po, Sir,” sagot ni Jake. Nang pinaupo siya nito ay ginawa niya naman.
Nakikilala niya ang kaharap na boss sa pangalang Ricardo Milosa. Bago ito nagpaliwanag sa kaniya ng magiging trabaho ay pinapirma siya sa isang waiver ni Mr. Milosa dahil ang RnJ daw ay hindi bastang business na pinagkakalat sa publiko. Napaisip si Jake na mukhang pribado ito kaya natagalan bago siya pumirma sa waiver.
Pagkatapos niyang pumirma sa waiver, ipinaliwanag ni Ricardo Milosa kung anong meron sa RnJ Services. Nabigla siya na ang business na ito ay husband for hire pala. Ang sabi ni Mr. Milosa, ang business na ito ay nakakatulong sa mga babaeng handang magbayad ng malaking halaga para may magpanggap lamang na asawa nila. Dagdag pa nito na ‘di naman umaabot ng halos dalawa o pataas na taon ang kontrata sa bawat kliyente. Madalas ilang buwan o nasa isang taon lamang.
Kinakabahan man siya sa papasuking trabaho ngunit pikit-mata siyang pumayag. Pumirma siya sa kontrata. Limang kontrata ang dapat matapos niya, ibig sabihin ay limang kliyente. Akala niya magiging husband for hire agad siya pero kailangan niya palang sumailalim sa tatlong klaseng training.
“Diyos ko po! Ano ba itong pinasok ko? Gabayan niyo na lang po ako,” bulong ni Jake matapos niyang lumabas sa opisina ni Ricardo Milosa. Pupuntahan na nila ang council na sinasabi. Kasama niya si Ynnie Wan, ito ang maghahatid sa kaniya papunta sa tatlong council na sina Council JC, Council Xean at Council Nathan.
Pero bago pa siya maihatid doon, pinasyal muna siya ni Ynnie Wan na isang agent g RnJ Services. Bawat lugar sa loob ng building ng RnJ ay may paliwanag na sinasabi si Ynnie Wan. Hanggang sa matapos ang tour sa loob ay huminto sila sa tapat ng opisina ng tatlong council na kung tawagin ay Council of Gigalo.
“Hanggang dito na lang ako fafa! Babush!” Paalam ni Ynnie Wan at umalis na. Lumunok ng sariling laway si Jake at kumatok muna. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto habang dala ang RnJ husband profile niya. Akala niya napakatahimik sa loob pero doon siya nagkamali.
“Lintik naman na mga magnanakaw na ‘to! Sila pa makakapal ang mukha! Kung lumulusot lang kamay ko sa screen papunta sa kanila, naku! Baka ano na nagawa ko sa sobrang gigil!” saad ng isang lalaking may salamin habang mabilis na tumitipa sa keyboard ng computer. Kasabay niyon ay kumain ng saging.
Ang isa namang nakita niya ay may kulay ang buhok na blue at kumakanta ng kantang ‘di niya maintindihan dahil iba ang lenggwahe nito. Ang huli ay nakita niyang napapapikit sa sarap habang kumakain ng Mais Con Yelo.
Saktong kinuha ng may kulay blue ang buhok ang salamin at napatili to dahilan para mapaigtad ang parang nakikipag-away kanina. Kasabay n’on nahulog din ang hawak na saging. Ang isa ay medyo natapon pa sa amin ang kinakaing Mais Con Yelo.
“Oh my God! Ang wafu! Kalerki! Pasensya na fafa at ‘di ka namin napansin agad. Busy kasi ako kantahin yung Genie ng Girls Generation. By the way, I’m Council Xean,” saad ng may blue na buhok.
“Ito naman si Council JC na busy rin makipag-away sa mga mahilig magnakaw ng stories at si Council Nathan na mahilig sa corn!” Patuloy na pagpapakilala nito sa dalawa pang kasamang council. Masama namang tiningnan ng dalawang council si Council Xean.
“Oops! Sorry okay, sorry,” anito.
“Hindi ikaw si Steffi Cheon,” saad ni Council JC kaya napanguso na lang si Council Xean.
Matapos n’on ay si Council JC ang nagbigay ng listahan ng training, sunod ay si Council Xean naman ang nagbigay ng sobrang kapal na kopya ng mga rules. Nakahingang maluwag si Jake dahil nalamang may summary na kasama. Baka puti na ang buhok niya bago pa matapos iyon basahin. Mabilis namang natapos ang Psychological Assessment kay Council Nathan.
Pumasa siya sa lahat ng training, sa martial arts, sa gym, at sa seduction class ni La Diva. Aminin man niya o hindi ay naakit siya noong unang makita si La Diva pero nagawa niyang pigilan ang sarili. Nang matapos ni Jake ang lahat ng training ay nagkaroon na siya ng husband’s license.
Sa paglipas ng panahon, sa pagiging husband for hire ni Jake ay naipagamot niya ang ina sa U.S.A at ang kapatid niya ay doon niya na rin pinag-aral ng high school. Nagpapasalamat sa Diyos si Jake at ‘di naapektuhan ng operasyon ang memorya ng ina kaya naaalala pa rin sila nito pagkatapos.
Nang maayos na ang ina ay nakausap na rin nila ang mga magulang nito. Sa unang pagkakataon nakita nila ni Shane ang lolo at lola sa America. Nagkaayos-ayos na sila nito pero nahirapan din muna ang magkapatid na magpatawad bago iyon nangyari.
Nadala sila ng galit noon sapagkat itinakwil ang ina nila ng mga magulang nito matapos mas pinili ng ina na sumama sa kanilang ama. Noong panahong iyon ay teenager pa lang ang kanilang ina at matapos itakwil ng mga magulang ay pinagbuntis siya nito.
Masaya na si Jake paglipas ng panahon. Apat na kontrata na ang natapos niya at walang naging problema kahit isa. Isang kliyente na lang at matatapos ang ang pagiging husband for hire niya.
“Isa na lang at tapos na ang lahat, sa wakas,” bulong ni Jake sa sarili habang nakapikit ang mga mata.