Pabalik-balik si Emi sa paglalakad na kanina pa naghihintay sa pagbabalik ni Usui sa kanilang hideout. She knew all of his plans. Nanatili lang na tikom ang bibig niya dahil utos na rin iyon ni Usui. Hindi nagtagal ay dumating ang grupo kasama si Usui. Ilang araw na ang lumipas simula ng gang war ngunit ngayon lang nakabalik ang grupo dahil umiiwas sila sa mga pulis na naghahanap sa kanila. Marami benda sa katawan si Usui na labis na pinag-alala ni Emi. "Usui! My god! " Hindi ito magkanda-ugaga sa pagsipat kay Usui kung saan pa ito may mga pasa at sugat. Sumunod kay Usui ang mga iba pa niyang kasama papasok sa lumang bahay na kanilang hideout. "Kayo bahala magpalit sa mga benda ny`o. Kumpleto tayo sa gamit," sabi niya sabay upo sa itim na sofa. Isang masugid na kasamahan ni Usui ang

