IWH-Chapter 2

1896 Words
Namamanghang nilibot ni Zumi ang kanyang paningin sa kabuuhan ng bahay ni Grey Dela Merced. Mula labas hanggang mapaloob ay nagpapakita ng karangyaan. Sa buong buhay niya ay di niya akalaing makakatungtong siya sa ganoong kagandang bahay. Lihim siyang napapitlang nang lumapat ang braso ni Grey sa kanyang beywang. “What do you think?” mahinang bulong nito sa kanya. Ramdam niya hininga ng lalaki sa kanyang batok. “M-maganda,” nauutal na sabi niya. Hanggang sa mga sandaling iyon ay naguguluhan pa rin siya sa bilis nang mga pangyayari. Hindi iyon ang inaasahan niya nang dalhin siya sa lugar na pinagkunan sa kanya ni Grey. Ang buong akala niya ay regular siyang magtratrabaho sa club. Hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya o hindi. Dumaan ang matinding kirot sa kanyang dibdib dahil sa kanyang sitwasyon. “From now on, you will live here.” “D-dito ka rin ba nakatira?” saad niya sa lalaki. Bahagyang umangat ang gilid ng labi nito, “No. But I will spend most nights here.” “I-ibig sabihin ay ibabahay mo ako?” naguguluhang wika niya kay Grey. “The hell! What are you talking about?” nagsalubong ang kilay nito. Napayuko siya sa biglang pagtaas ng tinig ng lalaki. Muling nagtama ang kanilang mga titig sa isa’t isa nang hawakan nito ang kanyang baba at inangat. “As I said before, you are mine. I purchased this house under your name. My secretary will bring the paperwork for you to sign tomorrow.” Hawak ang kanyang kamay ay tinungo nila ang mahabang sofa. Pabagsak na sumandal ito, seryosong nakatitig sa kanya. Hinila siya ni Grey paupo sa kandungan nito. Ang mga palad ng lalaki ay malayang humahaplos sa magkabilang hita niya. “Ahm...S-sir...” Hindi niya maiwasang mataranta dahil ang kaliwang palad nito ay humahaplos na sa kanyang kaselanan. “Say my name, baby,” mahinang usal nito sa kanya. “Grey...” Seryosong nakatitig sa kanya si Grey. Nasasalamin niya ang pagnanasa sa abuhing mga mata nito. “I won’t make you do something you don’t want to. However, you have to follow and give in to satisfy my cravings, Zumi,” mabagal ngunit may diing sabi nito sa kanya. “Cravings?” litong usal niya. “Yes. Depending on my mood, baby, I have a certain s****l appetite,” pabulong na sabi nito. “Paano kung hindi ko maibigay ang gusto mo?” wika niya. Napapikit at mariing kinagat niya ang pangibabang labi niya nang unti-unting sinanggi ng gitnang daliri ni Grey ang kanyang kuntil. Napadilat siya nang maramdaman ang hininga ng lalaki sa kanyang leeg. “Believe me, baby...you will satisfy me in every way.” Napaliyad siya nang gumapang ang mga mumuting halik ni Grey mula sa gilid ng kanyang leeg papunta sa kanyang balikat. Tinunton nito ang kanyang collar bone pababa sa kanyang dibdib. Hindi siya inosente sa bagay na ginagawa nito sa kanya. Pero kakaiba ang kiliting dulot ng mainit na mga labi ni Grey sa kanyang balat. Pakiramdam niya ay lalong namamasa ang kanyang kaselanan. Sa silid pa lang sa club ay iba na ang pakiramdam niya pero lalong tumindi ang init sa katawan niya nang mga sandaling iyon. Muling nagtama ang kanilang paningin. Nahigit niya ang kanyang hininga nang mapusok na angkinin ni Grey ang kanyang mga labi. Napakapit siya sa leeg nito dahil pakiramdam niya ay malalaglag siya sa pagkakaupo sa kandungan ng lalaki. “Ahh, you’re wet...baby,” sambit ni Grey sa pagitan ng mainit na halik na pinagsasaluhan nila. “Hmm...” Tuluyang pinasok ni Grey ang gitnang daliri nito sa kanyang kaangkinan. Naramdaman niya ang pag-angat niya sa ere. Para siyang manika na walang kahihirap-hirap na kinarga ni Grey. Isang silid ang pinasukan nila. May pinindot ito at bumukas ang isang malalamlam na ilaw sa magkabilang gilid ng kama. Lumapat ang kanyang katawan sa malambot na kama. Hindi niya alintana ang lamig ng silid nang biglang punitin ni Grey ang suot niyang manipis na bestida. Lalong tumingkad ang abuhing mga mata nito sa pagkakalantad ng kanyang katawan. Isa-isang inalis ni Grey ang pagkakabutones ng damit nito. Napasinghap siya sa kaakit-akit na hubog ng katawan ng lalaki. Dati ay sa magazine lang na pinapakita sa kanya ng kaibigang si Lolita niya nasisilayan ang ganoong katawan. Napalunok siya nang tuluyang lumantad sa kanya ang naghuhumindig na ari nito. Hindi niya alam kung saan niya ihahambing ang haba at laki nito. “Scared?” nakangising sambit nito. Napasinghap siyang nang ibaba nito ang mukha sa kanyang kaselanan. Nahihigit niya ang kanyang hininga sa bawat hagod ng mainit nitong dila sa kanyang kaangkinan. “Hmm...G-grey...” Napaarko ang katawan ni Zumi, napahawak siya sa kanyang magkabilang gilid. Hindi niya mapigilan ang mapaungol nang hindi lamang ang hagod nito ang sumunod na ginawa ng lalaki. Kasabay ng pag-angkin ng mga labi nito sa kanyang kaselanan ay ang paglabas-masok ng gitnang daliri nito. “Ahh...s-sandali lang...please...” “Go on, baby, let it out,” sambit ni Grey sa kanya, bahagyang umangat ang ulo nito sa kanyang kaselanan. Habol niya ang kanyang hininga, hindi niya alam saan ibabaling ang kanyang mukha. Humigpit ang kapit niya sa sapin ng kama nang hindi na niya mapigilan ang pag-alpas ng pagnanasa sa kanyang katawan. Hinihingal na napapikit si Zumi. Pakiramdam niya ay ilang milya ang tinakbo niya. Sa unang pagkakataon ay narating niya ang kasukdulan sa paraang pinaranas ni Grey sa kanya. Napadilat siya ng lumapat ang basang mga labi ni Grey sa kanyang mga labi. Isang maalab na halik ang binigay nito sa kanya. Naramdaman niya ang pagsagi ng ari nito sa kanyang kaselanan. Magkahinang ang kanilang mga labi nang unti-unting bumaon ang sandata nito sa kanyang kaangkinan. “Ugh!” padaing na usal niya nang kumawala bahagya ang pagkakahinang ng mga labi nila. Kasabay nang paglalaro ng dila ni Grey sa loob ng kanyang bibig ay ang pagbaba-taas nito. Napayakap siya sa katawan nito. “F*ck, baby ah...” Halos mayanig ang buong katawan niya sa mabilis na paggalaw ni Grey sa ibabaw ng kanyang katawan. Muli siyang siniil ng halik ni Grey na malugod niyang tinugon. Walang ibang nasa isip niya nang mga sandaling iyon kundi ang kakaibang kiliting nararamdaman niya. Alam ni Zumi na muli niyang mararating ang kasukdulan sa mabilis na paggalaw ni Grey. Hindi niya alintana ang pagbaba ng mga labi ni Grey sa kanyang leeg. Mariing sinisip nito ang kanyang balat. Alam niyang mag-iiwan ng marka ang bawat halik na ginagawa ng lalaki sa kanyang katawan. “I can’t hold it any longer, ahhh...” Bumaon ang mukha ng lalaki sa gilid ng kanyang leeg. Kapwa nila habol ang kanilang mga hininga. Umangat ang katawan ni Grey, binagsak nito ang katawan sa kanyang tabi. Nilingon niya ang lalaki. Nanatiling nakapikit ang mga mata nito. Napaiwas siya ng tingin nang biglang dumilat si Grey. Tumayo ito at isinuot ang hinubad nitong mga damit. Blangko ang mukha ng lalaki. Ang pagnanasa sa mga mata nito ay napalitan ng kalamigan. Pakiramdam niya ay ibang tao ang kanyang kasama sa silid na iyon. Bigla siyang gininaw, inangat niya ang kumot upang maibalot niya sa kanyang hubad na katawan. “A-aalis ka?” nauutal na tanong niya sa lalaki. “Yes,” malamig na sagot nito sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang kanyang mararamdaman sa tipid nitong sagot. “My secretary will bring your things and the paperwork in the morning.” “Okay,” usal niya. “If you need anything else~” “Ayos lang ako. Gusto ko lang magpahinga,” saad niya kay Grey. “Darating si Manang Flor mamaya. She will take care all of your needs. Tell her if you need anything and she will contact me,” wika nito sa kanya. Marahan na lang siyang tumango kay Grey. Blangko ang mukhang sinulyapan siya nito bago tuluyang lumabas ng silid. Huminga siya ng malalim habang titig na titig siya sa nakasarang pintuan. Mariin siyang napapikit upang pigilan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata. Matinding lungkot ang bumalot kay Zumi. Hindi niya alam kung anong nangyari. Pakiramdam niya ay masyado siyang nadarang sa mainit na sandaling pinagsaluhan nila ng lalaki. Tumayo siya at tinungo niya ang bathroom. Kahit saan niya ibaling ang kanyang paningin ay pawang karangyaan ang kanyang nakikita. Humugot siya ng malalim na hininga. Ito ang magiging bagong buhay niya kapalit ng kanyang kalayaan. Tumingin siya sa salamin. Bahagyang namumula na ang mga marka na dulot ng pagtatalik nila ni Grey. Pumatak ang luha niya na agad niyang pinahid. “Kaya mo ‘to. Tiisin mo lang, Zumi. Mas mabuti na ito kaysa sa inaasahan mo...mas mabuting sa kamay ng isang Dela Merced ka mapunta.” Two months ago... Halos hindi maidilat ni Zumi Miranda ang kanyang mga mata. “Mabuti naman at gising ka na,” wika ng babaeng nakatunghay sa kanya. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil nanlalabo ang kanyang paningin. “S-sino po kayo? Nasaan a-ako?” nanghihinang usal niya. “Nakita kitang duguan malapit sa parking lot ng property ko. Hindi mahalaga sa ngayon kung sino ako. Magpalakas at magpagaling ka, Zumi Miranda,” malamig na sabi nito. “P-paano po ninyo...nalaman a-ang pangalan ko?” “Isang linggo ka na rito sa hospital. Sa panahon na iyon ay nagpa-imbestiga ako ng tungkol sa iyo.” Umupo ito sa gilid ng kama. Malinaw niyang nakikita ang mukha nito. May edad na ang babae subalit di maikakaila ang gandang taglay nito. Hindi siya nakahuma sa sinabi ng ginang. Kung nagpa-imbestiga ito, alam ng ginang ang nangyari sa kanya. Kumirot ang kanyang puso nang maalala kung anong lupit ang sinapit niya. “Alam ko ang iniisip mo, Zumi. Huwag kang mag-alala dahil hindi ako interesado sa nakaraan mo. Mas mahalaga sa akin kung ano ang magagawa mo para sa akin sa hinaharap,” wika nito sa kanya. “A-ano pong ibig ninyong s-sabihin?” Ngumiti ng makahulugan sa kanya ang ginang. Tumayo ito bago walang salita na lumabas ng silid. Ilang sandali lang ay pumasok ang isang babae. Katamtaman ang taas nito at halos lantad na ang katawan sa suot na damit. Makapal ang make up nito. “Pinabibigay ni Mama Anissa,” saad ng babae sa kanya. Mababakas ang pagkairita sa tinig nito. Nilapag nito ang mga prutas sa katabing mesa. “Buti naman at gising ka na. Bilisin mo magpagaling! Nakakainis! Bakit naman kasi ako pa ang inutusan na bantayan ka? Baka sinusulot na ni Loida ang mga regulars ko,” nakasimangot na wika nito. “Regulars?” nagtatakang sabi niya. “Nako! Oo nga pala, bago ka lang. Si Loida, nanunulot iyon ng mga vip clients sa club. Kaya kung ako sa iyo, magpagaling ka na para naman makadami ka ng customer.” “Hindi ko maintindihan...” “Hay! Ano ba iyan? Mukhang naalog nang husto ang ulo mo. Customer, regulars, vip, client. Iyon ang tawag natin sa mga fafa na pumupunta sa Bareback Club. Ang s*x club na pinagtratrabauhan natin, duh!” nakaismid na wika ng babae sa kanya. Napakapit siya sa bedsheet. Napahgulgol siya ng iyak. Hindi niya pinansin ang pagtatalak ng babae. Napakalupit naman ng tadhana sa kanya. Bakit kailangang mabuhay siya kung hindi naman niya talaga matatakasan ang lahat. Ang mismong may-ari ng club na pinagbentahan sa kanya ng walang hiya niyang asawa ay ang mismong taong nagligtas sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD