PILIT akong ngumiti nang tingnan ako ni cain. Ang pogi pogi niya sa suot na baby suit. Bagay na bagay sa kaniya ang disenyong ginawa ni mommy. "Victoria," Nag-angat ako ng tingin kay mommy nang tumayo ito sa harapan ko. Naka-roba pa siya pero tapos na atang mag-make up. Gown nalang niya ang kulang and she will be done. "Hindi ko nagugustuhan 'yang pagiging matamlay mo, ha? Ilang linggo ka nang ganyan." Iling niya habang pinagmamasdan ako. Napayuko lamang ako. Tulad niya ay tapos na rin naman akong ayusan, gown na susuotin ko nalang rin naman ang kulang. The party will start at 7 oclock. May isang oras pa kami para maghanda. Ito ang unang araw ng party for cost ng aming pamilya. Sasakay muna kami sa isang cruiship para sa unang araw, pagkatapos ay ihahatid kami sa isang isla para sa seco

