KABANATA 18

1194 Words
HINDI pa kami tuluyang nakakalabas ng restaurant ng dumugin kami ng mga media. Parang mga tigre ang mga 'to na kalalabas lang ng hawla kung palibutan kami. "Ms. Victoria! Maaari ho ba namin kayong interviehin?!" "May mga ilang tanong lamang ho kami sa inyo!" "Totoo po bang hindi magkasundo ang kampo ninyo at ng kampo ni governor?!" Humigpit ang kapit ko kay cain ng marinig ko ang iyak nito sa takot. Kaagad kaming pinotrektahan ni kuya para di tuluyang malapitan ng mga nagkakagulong media. Masyado silang marami na kahit ang mga bodyguards ni kuya zoel at mga waiter and waitress ng restaurant ay di sila kayang patigilin. They are so eager to ask question! "We don't have time for this." Kunot ang noo at malamig na sagot sa kanila ni kuya vlane. "May gusto lamang po kaming itanong!" "May mga bagay kaming gustong malaman!" Tumingin ako kay cain at niyugyog siya ng lalo siyang humagulgol sa takot. Niyakap ko siya at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko para itago siya sa g**o. "Its okay baby...." Bulong ko sa kaniya. "Come on victoria..." Bulong ni kuya nang hilain niya ako palabas sa kumpol ng mga media. Nilapitan kami nila anton at iniharang ang mga katawan sa'min ni cain para ma-protektahan kami sa pandudumog. Napangiwi ako ng mas lalo silang naging agresibo ng makita ang mga pinsan ko. "Nasa van na silang lahat. Nag-aalala na ang mommy niyo." Rinig kong sabi ni krade. "Sa van niyo nalang isakay sila victoria, doon tayo sa kotse ko." Sabi ni kuya vlane. Tiningnan ko siya at tinanguan, pagpapakita na sang-ayon ako sa plano niya. "Shhh malapit na tayo kay mommy cain..." Naaawang bulong ko sa nakababatang kapatid. Rinig ko ang hirap nito sa paghinga, kanina pa kasi siya umiiyak. "Ms. Victoria!" Napaigik ako ng may biglang humila sa braso, ramdam ko ang tulis ng kuko non na dumaplis sa balat ko. Mabuti nalang at hawak ko si cain ng mahigpit. Napaka-desperado nila! Ang sakit ng braso ko! Mabilis at maingat kaming inalalayan nila kuya vlane papasok sa van kung nasan sila mommy. Hindi pa rin tumitigil sa pag-iyak si cain kaya nag-aalala na ako. "Nasa kabilang van sila jethro kasama sila tita at tito. Sa mansiyon nalang tayo mag-usap. Dito muna kayo kela mommy." Sabi ni kuya nang maingat niya kaming paakyatin ni cain sa van. "Victoria!" Mabilis akong dinaluhan ni mommy at kinuha sa'kin ang umiiyak pa rin na si cain. "Okay lang ba kayo?" Alalang tanong niya. Tumango ako. "Opo." Sabi ko atsaka umupo sa tabi ni lola. Sumandal ako sa upuan ko at sinilip ang kalmot sa braso. Napangiwi ako ng makitang mahaba iyon, aswang ata ang kumalmot sa'kin. Napatingin ako kay lola ng silipin rin niya ang braso ko. Kinuha niya ang kamay ko at pinatong sa kandungan niya. "Who did this to you?!" Inis niyang wika. Kinuha niya ang panyong puti para punasan ang dugo sa gilid ng sugat ko. Naririnig ko pa ang iyak ni cain kaya hindi ko maiwasan ang hindi sila silipin. Dalawa na sila mommy at daddy ang nagpapatahan sa kaniya pero mukhang takot pa rin siya hanggang ngayon. Damn! "Ipahanap mo lahat ng mga media sa labas at anthony!" Galit na sabi ni lola kay daddy. Patuloy pa rin niyang pinupunasan ang sugat ko. "Sinaktan nila ang mga apo ko. Gawin mo lahat para mawalan sila ng trabaho!" Muntik na akong mapatalon sa talim at diin ng boses niya. Nakakatakot talagang magalit si lola.... "W-What...?" Napatangin sa'min si mommy. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang sugat sa braso ko. "Victoria..." Alalang bulalas niya. "I'm okay mom!" Agap ko ng akmang tatayo siya ng upuan. "Sa bahay nalang po natin 'to gamutin." Mahinang wika ko. "Are you really okay anak?" Alalang tanong ni dad. Tumango lang ako. "Minor lang po 'to. Don't worry..." I assured to them. Huminga na lamang sila ng malalim atsaka inutusan ang driver na bilisan ang pagmamaneho. Pagod nalang akong pumikit. Gutom na ako pero mas ramdam ko pa ang pagod. "Ano bang meron sa araw na 'to at puro kamalasan ang nangyayari sa'tin!" Rinig kong litanya ni mommy kapagkuwan. Sinandal ko nalang ang ulo sa upuan habang nakapikit pa din. Malas nga siguro ang araw na 'to......malas kasi alam kong umaasa pa rin akong sa akin pa rin siya. Malas kasi hindi ko na siya pwedeng isipin pa. Malas kasi kasalanan na ang mahalin siya. Malas kasi....sa aming dalawa siya ang unang sumuko. "Honey, hindi pa rin dapat tayo umalis kanina." Rinig kong sabi ni dad. Nagbukas ako ng mga mata at tiningnan ang likod ng upuan nilang dalawa. Nagtatalo ba sila? "I just did the right thing for my daughter alfonso! Having that family in one place is suffocating! And seeing that villafontia is too much for victoria!" Angil ni mommy. "Let's victoria handle that honey. She's responsible enough to decide for herself." Mahinahong sabi ni daddy. "Sasaktan lang siya ng mga iyon!" Sigaw pa ni mommy. Napabuntong hininga ako. They are really fighting because of.....me. "We wont let them." Madiing wika ni dad. Muli akong pumikit. Ako na naman ang iniisip nila. 'Yong pagpo-protekta nila sakin, natatakot ako na baka sa bandang huli masaktan din sila. "Enough!" Maawtoridad na sabi ni lola sa kanila. "Kasama ninyo ang mga bata, hindi tamang nag-aaway kayo ng naririnig nila." Napangiti ako at niyakap si lola. That's why, she's my idol. I'm proud that my grandma is very authoritive yet so caring. "Kahit anong desisyon ni victoria 'yon ang tatanggapin natin." Bulong niya. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at matamis na ngumiti. Nauna ang sasakyan naming nakauwi ng mansiyon. Naunang bumaba sila daddy at mommy saka kami sumunod ni lola, na inaalalayan nila daddy at ng driver. "Pumasok na muna tayo sa loob victoria at ng magamot na iyang sugat mo." Sabi ni mama. Tiningnan ko sila lola. "Hindi pa po kayo papasok?" Tanong ko sa kanila. "Mauna kana apo." Ngiti ni lola. Sinara ni dad ang pinto ng van. "Hihintayin namin sila dito." Aniya. Tumango na lamang ako at sumunod kela mommy sa loob. Sapo sapo ko ang braso ng pumasok ako sa kusina. Naglalakad lakad na si cain at hindi na rin siya umiiyak samantalang tahimik namang nilalabas ni mommy ang mga first aid sa kahon nito. Umupo na ako at pinagmasdan siya. "Are you okay?" Tanong ko. Nagtalo sila ni dada kanina, for sure. Hindi. Tiningnan niya ako at tumango. "I am sweetheart." Buntong hininga niya atsaka umupo sa harap ko. "Nag-alala lang ako sa'yo...." sabi niya pa ng marahan niyang kinuha ang braso ko. Ngumiti na lamang ako at pinagmasdan siya. She's my mother. Hindi man ako galing sa kaniya, para sa'kin siya na ang mommy ko. Sa kaniya ko lang naramdaman ang pagmamahal at pag-aalaga ng isang ina. Nilinis niya muna ang sugat ko ng alcohol, mahapdi pero dahil hinihipan niya ay mabilis na nawawala ang sakit. Napatingin ako kay cain ng hilain niya ang dulo ng dress ko. Nginitian ko siya at kinarga ng tapusin na ni mommy ang pag-gamot sa sugat ko. "You want to sleep?" Malambing kong tanong. Umiling siya atsaka tinuro ang laruan niyang robot na nasa counter. Mabuti nalang mukhang nakalimutan niya rin agad ang nangyari kanina. Sana ganon din ako...mabilis makalimutan ang lahat. Napabuntong hininga ako. Paano ko nga ba makakalimutan ang lahat kung malapit lang silang lahat sa'kin lalo na si skyrile. Bilog ang mundo at kahit kailan pwede kaming paglaruan ng tadhana. Nakakatakot lang kasi baka hanggang ngayon patuloy nila akong saktan. Baka maulit iyong dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD