"Malayo pa ba ang ilog na pupuntahan natin?" tanong ko kay Carmela. Hindi ko akalain na mararanasan kong maglaba ng damit. Imagine mo, ang isang delubyo magkukusot ng damit? "Malapit na kuya. Diyan lang naman yun sa baba." "Baba? You mean lulusong tayo ng daanan." gulat na tanong ko. "Oo, Kuya. Bakit natatakot ka ba?" nakakalokong tanong ni Carmela kaya inayos ko ang pwesto ko. "Ako matatakot? Aba! Wala yatang kinatatakutan si Kuya Ace mo." matapang kung sagot. Nagagawa ko ngang pumatay ng tao, ito pa kayang pababang daan lang. "Iyan ang Kuya Ace ko! Matapang!" pagmamalaki pa niya. "Aba! Hindi lang ako matapang! Gwapo at macho pa." narinig ko naman ang pagtawa niya sa sinabi ko. Tinawanan niya lang ako? Seryoso kaya ako sa sinabi ko. "Halika na nga, Kuya." aya niya. At bigla na s

