Anong ginagawa dito ni Michelle? Sinusundan niya ba ako o baka naman nagkataon lang. Pero bakit kilala niya si Carmela? Pero imposible. Baka naman may itinanong lang siya. Magtatago sana ako at hihintayin na lang na makaalis si Michelle bago ako lumabas ng mapatingin sa kinaroroonan ko si Carmela. "Ayun pala si Kuya Ace, oh!" sabi nito sabay turo sa akin. Napapikit ako at agad napasapo sa aking noo. Kahit kelan talaga Carmela, ang daldal mo! Tinanggal ko ang bara sa aking lalamunan kahit wala naman talaga. Tumayo ako ng tuwid at naglakad ng maayos sa harapan nilang dalawa. s**t! Ang gwapo ko talaga! Dalawa silang nakatingin sa akin habang naglalakad ako papalapit sa kanila! Oh? Walang aangal ha? Gwapo talaga ako. Tss! "Ace!" ani Michelle at agad akong sinalubong ng halik sa labi. Nanlaki

