Ace's POV "Oh? Ace! Carmela! Nandito na pala kayo. Sandali lang at igagawa ko kayo ng meryenda. May binili akong tinapay roon kanina." Mabilis na nagpaalam si Tata Elmo kay Michelle. Sumandal pa ito sa isang sasakyan na waring inaayos ni Tata Elmo ng dumating si Michelle dahil may mga grasa pa ang damit ni Tata Elmo pati na rin ang mga kamay nito. Nagmamadaling nilapitan ko siya. Nakalimutan ko na ngang pagbuksan ng pintuan ng kotse si Carmela. "Anong ginagawa mo rito?" mariing tanong ko kay Michelle. Hinawakan ko siya sa braso ng mahigpit. Mula sa pagkakasandal ay umayos siya ng pwesto at tumayo ng halos idikit na sa akin ang mga dibdib. "I thought you're here. Hindi ka pumunta sa condo ko kagaya ng usapan natin kaya ako na lang ang pumunta sa'yo." she smirked. Mga salitang nagpap

