Hindi naman naging rigid ang photoshoot na nangyari sa araw na ito, hindi katulad ng sinabi ni ate kahapon. Madali lang ding natapos dahil hindi na gaanong mapili ang direktor sa mga dapat naming gawin sa harap ng camera. Pagkatapos nun ay may mga scripted interview na nangyari. Tinanong lang kami kung ano ang buhay mag-asawa na kapwa isang IT specialist at paano namin hinaharap ang bukas lalo na sa mundong hindi pa gaano katanggap ang ganitong relasyon. Hanggang-hanga pa ako sa bawat bato ng sagot ni Christian dahil para bang totoo talaga ang lahat ng iyon at kahit ako ay naaapektohan din minsan. “Kung mahal niyo ang isa’t isa ay wala ng dapat pang ipangamba. Hayaan na lamang ang mga taong nakapalibot sa inyo dahil sa huli kayo pa rin naman ang magmamahalan at wala silang kinalaman sa

