“Are you ready?” bungad na wika ni Vincent nang makapasok siya sa office ko. Ako naman ay busy pa rin sa kakatipa sa harap ng computer. Bigla naman akong napatingin sa gawi niya nang sabihin niya iyon. Hindi agad ako sumagot at nagtitigan lang kami ng ilang segundo. “Mmm, not yet... tatapusin ko lang ‘tong ginagawa ko saglit, maupo ka na muna jan,” sagot ko sabay nguso pa roon sa sofa upang doon siya paupuin. Agad niya naman iyong sinunod at walang kasali-salitang nakatitig lang sa akin the whole time. Lumipas ang mahigit sampung minuto ay natapos ko na nga ang ginagawa ko kaya kaagad ko ng niligpit lahat ng kalat sa lamesa ko saka tinungo iyong banyo upang magpalit na ng damit. Pagkalabas ko ulit ay nandoon pa rin si Vincent sa sofa nakaupo at para bang hinihintay talaga akong luma

