Naka-upo lang ako rito sa server’s room ng kompanya magdamag, habang ang tangi kong kaharap ay ang mga naglalakihang screen kung saan makikita ang lahat ng cell sites sa buong bansa. Ni hindi ko nga alam ko ano na ang mga nangyayari sa likod ng kulay asul na pintuan dito, kahit kasi kunting tunog na nanggagaling sa labas ay hindi ko talaga maririnig hangga't nasa loob ako nitong kwartong ito. Ganito lang ako simula pa kaninang umaga, hinihintay kung kailan bubukas ang pintuan at iluwa mula rito ang taong hinihibtay ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nangyayari ang aking inaasahan. Nagawa ko na naman lahat ng dapat gawin ko ngayong umaga 'yung iba naman ay tyak na matatapos ko rin iyon kaagad mamaya pero langya lang, bakit hindi pa siya nagpapakita sa'kin?! Napatayo ako sa aking k

