Palaisipan pa rin hanggang ngayon sa akin ang mga hindi pangkaraniwang nangyari sa akin kagabi, hindi ko inasahang ang lalaking nakita ko sa aking panaginip bago ako tumakbo sa kalagitnaan ng ulan ay si Christian pala. Hindi ko maunawaan kumbakit nangyari iyon sa akin, kumbakit hindi ko magalaw ang aking katawan sa hindi malamang dahilan. Para bang may ibang kumokontrol dito at pilit inaangkin ang aking katawan. Mabuti na lamang at naabutan pa ako roon ni Christian dahil kung hindi ay siguradong bali-bali na ang mga buto ko sa mga oras na ito. Or much worst, ay pinaglalamayan na. Speaking of him, ito nga siya’t mahimbing na nakaunan sa aking hita habang mahimbing na naiidlip. Kay pupungay ng kanyang mata sabayan pa ng matangos niyang ilong, napaka-amo rin ng kanyang mukha na parang kahi

