Tahimik na nakatanaw si Joshua sa labas ng bintana hanag nag-iisip kung sasabihin na niya ang totoo kay Cassandra. Gusto na niyang umamin para maging totoo at makasama na niya tuluyan ang dalaga, ngunit sumasagi rin sa isipan niya ang takot na baka tuluyan na siyang kamuhian ni Cassandra sa mga kasinungalingan nagawa niya. Nangangamba siya sa possibleng magiging reaksyon ng dalaga. Hindi niya alam kung paano ito magre-react kapag nalaman nito ang katutuhanan sa oras na sabihin na niya. Ngayon palang natatakot na ang puso niya. Sa maaaring mangyari. Sa Mga mata ni Joshua, kita ang labis na pagalinglangan at takot sa gagawin niyang pag-amin. Hindi madali ngunit kailangan na niyang tapusin ang pagpapanggap dahil kahit siya nahihirapan na rin. Habang hawak niya ang isang baso na may

