[Pink Polkadots] RIN DANIEL's POV Lagi malalim ang iniisip niya, minsan balisa at parang walang naririnig, kadalasan din lingat ng lingat akala mo lagi may nag mamasid. Ganiyan siya mga dalawang buwan na ang lumipas, hindi na rin siya madalas na dalaw sa bahay at apektado akong maige dahil doon, hindi lang dahil sa miss ko siya at na sanay akong nasa bahay siya kundi pati ang kinikilos niya ngayon ay kakaiba. “Okay ka lang ba talaga Marfie?” Bumalik siya sa ulirat niya at nagkamot ng ulo. "Ah hahahaha oo naman.” andito siya sa kwato ko ngayon at himala at dinalaw niya ulit ako dito. "Tapos mo na bang kopyahin ‘yung schedule? Bakit hindi binigay sayo ‘yung print outs?” Nakayuko lang siya at iniisip bakit nga ba. "Ah ito ata ‘yung time na umalis ako sa meeting hehe.” nag peace sign si

