Kabanata 9

1284 Words
Kabanata 9 Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok mula sa pintuan. Napabalikwas ako sa pagkakahiga, hingalin at gulong-gulo ang isip. Saglit akong napatitig sa dilim bago ko napagtanto, nakatulog na pala ako. Hindi ko namalayang lumipas na ang oras. Madilim na ang labas, at tanging ilaw mula sa maliit na bintana ang nagbibigay-liwanag sa silid. Sa dami ng iniisip ko kanina lalo na sa pag uusap namin ni Ate, siguro napagod ang utak ko hanggang sa tuluyan na lang akong dalawin ng antok. Minsan kasi, mas madali pang tumakas sa tulog kaysa harapin ang magulong isip. Kahit sandali lang, nakakalimutan ko ang lahat. Muling kumatok ang nasa labas, mas malakas, mas madiin. Agad akong bumangon, inayos ang gusot kong buhok at naglakad papunta sa pintuan. Pagkabukas ko nito, bumungad sa akin si Haven… at si Ali. Nanlaki ang mata ko, at kusang umuwang ang labi ko sa gulat. Pareho silang mukhang nagmamadali. Kita sa kilos ni Haven ang kaba, habang si Ali naman ay may hawak na susi, isang detalye na agad nagpabilis ng t***k ng puso ko. “A–Anong n–nangyayari?” nauutal kong tanong, halos pabulong, dahil sa biglang kaba na gumapang sa dibdib ko. Parang sila rin ay nagulat nang makita akong nakatayo roon, buháy at maayos. “Oh my God!” halos mapasigaw si Haven bago ako biglang yakapin nang mahigpit, para bang may masamang nangyari sa akin at saka lang niya napatunayang ligtas ako. Nanatili si Ali sa kinatatayuan niya, tahimik, pero ramdam ko ang bigat ng tingin niya, malalim, mapanuri, at may bahid pa rin ng talim. Hindi ko mabasa kung galit ba siya, inis, o simpleng nag-aalala lang. “Anong ginagawa niyo dito?” muling tanong ko, naguguluhan pa rin. Kumalas si Haven sa yakap at hinarap ako, mahigpit ang hawak sa braso ko na parang ayaw akong pakawalan. “I thought something bad happened to you,” sunod-sunod niyang paliwanag, bakas ang takot sa boses. “I was here a few hours ago. I called you, I knocked, but you didn’t respond. At first, I thought you were just sleeping. I came back to call you for dinner, and you still weren’t answering. I was really worried… so I called Ali to help me out.” Bakit si Ali? Biglang nag-uunahan ang mga tanong sa isip ko. Anong meron kay Ali? Bakit siya ang tinawagan? At higit sa lahat, bakit may susi siya ng cabin ko? Muli akong napatingin sa kanya. Hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa akin. “He’s one of the owners of Vex,” dagdag ni Haven, halatang nag-aalangan pero kailangan niyang ipaliwanag. “That’s why he has access to the keys.” Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ko. Isa sa mga may-ari? Mas lalo akong nagulat. Biglang nagsalubong sa isip ko ang lahat, ang awtoridad niya, ang presensya niya, ang paraan ng pagsasalita niya sa mga tao rito. Hindi pala aksidente ang lahat. Hindi lang siya basta bisita. Simula pa lang, narito na pala siya dahil pagmamay-ari niya ang resort na ito. “Ah…” hirap na hirap akong huminga habang binibigkas ang salita. “Ganun ba.” “I’m not the owner,” malamig at mahinahong paglilinaw ni Ali. “Just a partnership.” Pero kahit na. Parte pa rin siya nito. May kapangyarihan pa rin siya rito. Pagmamay-ari niya pa rin, kahit bahagi lang. At doon ako tuluyang nakaramdam ng hiya. Naalala ko kung paano ako nagsalita sa kanya noon. Ang tapang ng mga salitang binitiwan ko, ang iritasyon, ang walang pakundangang galit. Ngayon, para akong batang napagalitan ng hindi ko inaasahan. Hindi ko alam kung ano ang mas mabigat, ang kaba ko kanina… o ang hiya na unti-unting lumulunod sa akin ngayon. “Ano bang nangyari sa’yo, Lily? Kanina pa kita tinatawag, hindi ka sumasagot.” Napahinto si Haven sa pagsasalita, at bago pa man ako makasagot ay tila may napansin siya sa mukha ko. Kumunot ang noo niya at mas lumapit sa akin. “Wait… did you cry?” nag-aalalang tanong niya. Parang gusto kong hampasin ang sarili kong noo. Nakalimutan ko iyon, kapag umiyak ako, kitang-kita talaga sa mukha ko. Kahit ilang oras na ang lumipas, nananatiling namumula ang mga mata at ilong ko. Iyon ang dahilan kung bakit pilit kong pinipigilan ang sarili kong umiyak kapag kasama ko si Ivy. Isang tingin lang niya, alam na niya agad. Umiyak ako dahil sa banta ni Ate. Dahil sa mga nangyayaring hindi ko inaasahan sa lugar na hindi ko pa lubos na kilala. At dahil miss na miss ko na si Ivy… ang bahay namin… ang buhay na iniwan ko pansamantala. “Oo,” mahina kong sagot, sabay hawak sa pisngi ko na parang gusto kong itago ang bakas ng pag-iyak. “May naalala lang ako kaya napaiyak.” Umikot ang mata ni Haven, halatang ayaw maniwala. “Huwag mong sabihin na ang gago mong ex ang dahilan ng pag-iyak mo ngayon,” aniya na may halong biro pero bakas ang inis, “dahil kukurutin talaga kita!” Napatawa ako, kahit pilit, at tumango na lang, isang alibi para hindi na humaba pa ang usapan. Mas maayos na gumawa na lamang ako ng kwentong ganito para hindi na humaba pa. Isa pa, may pakay ako rito at kailangan kong ilihim iyon… kahit kay Haven pa na mukhang pinagkakatiwalaan na ako kahit na nagkakilala lamang kami sa maliit na panahon. “Damn that boy,” sabat niya. “Don’t tell me he was cheating before you got here.” Tumango ako ulit. “Oo. Pinagpalit niya ako sa ka-trabaho niya,” sagot ko na parang totoong nangyari kahit na ang totoo ay hindi naman iyon nangyari. Ni boyfriend ay wala ako. Ni isang beses ay hindi iyon nangyari. Sa gilid ng paningin ko, napansin kong nakatingin si Ali. Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang bigat ng kanyang titig. Agad akong umiwas at ibinalik ang tingin kay Haven, ayokong mabasa niya kung gaano ako kahina sa sandaling iyon. “Then we should get wasted tonight!” biglang sigaw ni Haven, muling bumalik ang sigla. “And don’t fvcking think about that man again, Lily! Sa ganda mong ‘yan, maraming huhumaling sa’yo. May event mamaya sa seaside, maraming tao ang dadalo. At dapat, may makuha kang lalaki mamayang gabi!” Hindi ko alam kung bakit, pero kusang dumapo ang mga mata ko kay Ali. Biglang bumalik sa isip ko ang sinabi niya noong isang gabi, sa labas ng club, ang malamig at matigas niyang boses, ang utos na hindi na raw ako babalik doon. Kahit lasing ako noon, malinaw pa rin sa alaala ko ang bawat salita niya. Inasahan kong may reaksyon siya, kahit kaunting iritasyon man lang. Pero wala. Nanatiling malamig ang mukha niya, walang emosyon, parang wala siyang pakialam sa anumang plano ko para sa gabing iyon. Bakit ko ba iniisip kung ano ang magiging reaskyon niya? Ano bang pake ko doon? At ano naman ang pake niya sa akin? Ngumiti ako kay Haven, pilit pero buo ang loob. “Okay,” sagot ko. “Sasama ako. Magkita tayo mamaya.” At sa sandaling iyon, kahit hindi ko pa alam kung anong mangyayari sa gabing darating, sigurado ako sa isang bagay… mamamatay lang din naman ako sa islang ‘to bakit hindi ko pa lubos lubuson ang buhay ko dito. **** Hi po, feel free to add this to your library at h'wag niyo rin pong kalimutan na e follow po ako para updated kayo kapag meron akong bagong story dito. Magiging series po ito, panibagong series na puros taguan ng anak. NASA EXCITING PART NA RIN TAYO HEHE!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD