Kabanata 20 “Dahlia, ano ba ‘yan? Kagabi pa ako tumatawag sa ‘yo! Hindi mo man lang ako sinasagot!” bungad sa akin ni Ate nang sa wakas ay sagutin ko ang tawag niya. Kumirot agad ang sentido ko. Halos isang buong araw akong walang ginawa kung ‘di mag isip, paikot ikot sa parehong tanong, parehong takot, parehong pasya na pilit kong tinatakasan. Ayaw kong isama si Ate sa plano ko. Kilala ko siya. Kilala ko kung paano siya mag isip. At alam ko na agad kung saan hahantong ang usapan namin kaya mas pinili kong hindi muna sagutin ang kahit isang tawag niya. “Hoy! Ano ba?! Nagtatanong si Tatay sa akin, Dahlia! Wala akong maisagot sa kanya!” singhal niya, halatang naiinip at iritado. Huminga ako nang malalim, parang sinusubukan kong lunukin ang kaba sa dibdib ko. Nanginginig ang kamay ko haba

