Kabanata 17 Hindi ako mapakali habang nakaupo sa tabi ni Ali. Paulit-ulit na umiikot ang paningin ko sa buong paligid, sinusuyod ang bawat sulok ng venue, umaasang makita si Alistair. Pero sa halip na ang lalaking hinahanap ko, ang una kong nasalubong ay ang matang hindi ko gustong makita. Si Bria. Ramdam ko agad ang biglang pagdapo ng kamay ni Ali sa aking beywang. Masyado akong napalapit sa kanya, halos ilagay na niya ako sa kanyang kandungan nang higpitan niya ang hila sa akin. Napasinghap ako, hindi sa kilig, kundi sa gulat. Nakita kong tumingin sa direksyon namin si Bria. Agad akong umiwas ng tingin, pero huli na. Sa isang iglap, pinatakan ni Ali ng halik ang aking balikat. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya. “Anong ginagawa mo?” pabulong kong tanong, pilit na kinokont

