Tutok Pa rin ang tingin ni Jae sa loptop niya habang si Zeah naman ay nakaupo lang sa tabi ni Jae at pinagmamasdan ang ginagawa ni Jae na trabaho. Agad naman nabaling ang tingin ni Zeah sa cellphone ni Jae nang marinig niya itong mag ring at mag pop-up ang pangalan ni Shanel. "Sagutin mo"Ani ni Zeah na pilit kinalma ang sarili. "Ayoko"sagot nito na sa loptop Pa rin ang tingin. "Ayaw mo kasi andito ako?, ayaw mo kasi maririnig ko usapan niyo? "Tanong ni Zeah na tinaasan ito ng kilay. Hindi ito sumagot at sa halip ay bumuntong hininga lang na lalong dumagdag sa init ng ulo ni Zeah. "Hindi ka makasagot ngayon? You always answer her call bakit ngayon ayaw mong sagutin? "May iritasyon sa tinig na ani ni Zeah. "Baby! "May kalakasang tinig nito. "Sinisigawan mo'ko!? "Ngiwing tanong

