Chapter 11 Womanizer Julienne's POV Sa araw na 'yon naging palaisipan sa 'kin kung sino ba talaga ang nagbigay nung bouquet of roses kanina, Sino nga kaya 'yon? Sa mahigit isang taon kong pagtatrabaho dito wala namang nagbigay ng bouquet of fowers sa 'kin ng ganun eh. Nakapalumbaba ako ngayon habang iniisip ang mga posibleng nagbigay non, hm. Matagal na nung huli akong nagkaroon ng manliligaw, pero ni isa wala akong sinagot, tanging si Terrence lang talaga. Nakakabaliw naman kung iisipin, sumasakit na ulo ko. Ba't kasi may nalalaman pang pa-mystery effect yung nagbigay nun eh. Umasa nga ako na si Terrence yung nagbigay, pero napakalabo naman non, nagalit nga sya kaninang nakita nya 'yon eh. So imposibleng sya, pero part of me gusto ko sya nalang yung nagbigay, siguro kung ganun yung

