Chapter 08 Still Julienne's POV Pumasok nako sa tinutuluyan kong apartment pagkatapos akong ihatid ni Terrence, pero magpahanggang ngayon pilit paring sumasagi sa utak ko ang mga wirdong hindi ko maiintindihan na kinikilos nya. Binuksan ko yung ilaw, at napalundag naman ako sa bumungad sa akin. "Ahhh!" napatili ako at napahawak ako sa aking dibdib sa pagkagulat, bumulaga kasi sakin si Maxene, ang kasama ko na rumerenta dito. Napapikit ako dahil sa pagkagulat. Tong babaeng to talaga, kung may sakit lang ako sa puso kanina pa siguro ako inatake, nakakagulat maski itsura nya pano ba naman kasi naka mud pack ang loka. "Eto naman! Ang OA ng reaksyon mo teh!" "Eh pano ba naman kasi ginulat moko," sabi ko tsaka ko na tinanggal yung suot suot kong high heels, bigla naman syang lumapit sak

