"Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko, alam mo iyan? Si Ole lang ang tangi kong kayamanan sa mundo." "Pambihira! bahala ka nga diyan! matulog ka na, pagod lang iyan!" sagot ni Kuya Jayson MAKALIPAS PITONG TAON; 19 years old na din ang anak ko na si Olifiano. Sa ngayon, dalawa sa aking mga kaibigan ang narito sa "safe house" Sila ang nakapaligid sa akin, na tangi kong mapagkatiwalaan sa pamamahala ng negosyo. Ang iba naman ay nasa Luzon. Naisipan ko magtayo ng ilang maliit na negosyo, upang maging tagamasid ko sa paligid. Kailangan ko ng mga mata, at taenga sa paligid ng bansa. Dahil alam kong may darating na bagong mafia sa Pilipinas. Maliit lang ang negosyo ko, bigasan sa luzon, palingke sa bayan ng Quezon. At nagdagdag na din ako ng isang warehouse dito sa Isla ng Siargao kung saan

