"Saan ang punta ninyo?" tanong ko sa lalaking bakla na tagaluto. Kasama niya ang tatlo pa niyang kasamahan na pawang mga katulong sa mansyon. Nakasalubong ko ang mga ito sa hallway na bihis na bihis. Ang kanilang mga kasootan ay parang dadalo ng isang party, na tila nagpabongahan sa kanilang summer outfit. "Rest day namin ngayon, kaya pinayagan kami ni Madam Amalia na mag beach!" Ang maarting sagot nito. Itinaas ang kamay sabay kembot ng bewang. "Ahh, nakakatuwa naman.. enjoy kayo ah!" "Salamat.. alis na kami.." sagot niya. Hindi na nagsalita ang mga kasama niya pero nginitian nila ako. Bumalik ako sa aking kwarto upang magpahinga. Para akong nilalagnat, uminom ako ng gamot saka natulog kahit ang oras ay nasa tanghaling tapat. Nang magising ako, ang oras ay nasa alas dos na ng hapon.

