"Stop, kailangan nating siyang mahuli ng buhay," ang boses na naririnig ko mula sa isa sa kanila. Interesado silang makuha ako? pero sino naman kaya ang leader ng mga ito para utusan silang kuhanin ako. "Wait for my signal," ang sunod na sinabi. Ito na ang senyales na kailangan ko na rin kumilos. Marahan kong itinaas ang aking ulo para tingnan ang sitwasyon sa labas, sabay higpit ng hawak sa manibela. Lumapit ang mga lalaki at nang malapit na sila, binuksan ko ang mga ilaw nang buong lakas at marahas na ibinaba ang aking paa sa gas. Napailing ako sa aking kinauupuan, nasagasaan ko ang mga patay na katawan na kanina pa nakahandusay sa lupa. "s**t, hindi nalang sana kayo sumali sa madugong trabaho na to.." I said with mix emotions, naaawa ako para sa mga pamilyang naiwan nila, sapagk

