Lumabas kami ni Cardo sa siyudad ng Davao upang magmasid. May kinausap siya sa kabilang line, isang taohan na pweding makatulong sa amin upang mahanap si Alexa pati ang kasama nito na si Jonathan. Nag-inquire kami sa ilang establishments, hotel at pati sa naturang park kung saan may mga namamasyal na tao. Ngunit hindi kami pinalad. Hanggang sa nagkasundo kami na magpunta na lamang sa isang conveniences store para bumili ng maiinom na tubig. Kahit sa masikip na spasyo, ay hindi ako nilalayuan ni Cardo. Nakabuntot ito habang ako ay nasa loob ng conveniences store na iyon. "Talagang nababaliw ka na.." sinabi ko sa kanya, ng bigla niyang kinuha ang mineral water na hawak hawak ko. Sumunod ay hinila niya ako na parang alagang hayop na may tali sa leeg. Lumapit kami sa counter, at naglabas

