"Hahahaha.. " Nakakarinig ako ng mga pagtatawanan ng mga babae, bukod sa musika na parang nakaka-excite pakinggan. Halatang may aliwan sa loob ng kwarto base sa aking pagkaintindi. Pero bakit hindi ko naririnig ang boses ni Oliver? "What are you doing?" Isang boses ang naririnig ko mula sa aking likuran. "Psstt" sabi ko na tinaas ang kamay na nakabukas ang palad, hindi tumutingin kong sino ang nagsasalita. Sa unang pagkarinig ko ay boses ng lalaki iyon na akala ko ay ang kusinerong chismoso kaya sinaway ko siya. Ramdam ko na lumapit ito sa akin, bahagyang idinikit ang katawan niya para lang marinig kung anong pinapakinggan ko. Inilapit din niya ang kanyang taenga sa pinto na may pagka- chismosong nakikinig din. "Ano ba, dumistansiya ka nga.." ang inis kong pagkasabi dahil naiipit an

