SIARGAO ISLAND

2454 Words
Siargao Island Sa taong December 25, 2013 Anim na buwan matapos akong naibenta kay Don Geralt Monro. "Anak ng tipaklong, bilisan ninyong kumilos." ang sabi ni aling Sonya. Pinahakot kami ng mga mabibigat na gulay, tulad ng kalabasa, patatas, kamote at marami pang iba. Nasa sampo ang bilang namin, anim na babae at apat na lalaki at halos kasing edad ko lang sila na nasa labing dalawa. Ang gulay na binibitbit namin ay dadalhin sa "safe house" Ang kasalukuyang bahay na aming tahanan. May malawak na taniman ng gulay ang likod ng "safe house" na ito. "Pagod na ako...." Ang sabi ng isang batang babae na tinulungan ko matapos matumba habang pasan ang isang sakong patatas. "Hindi tayo pwede sumuko, alam mo yan" ang bulong ko sa kanya. Tumayo siya at sinimulang maglakad na parang lasing na nagpagiwang-giwang sa daan. Madalang lang kami makakakain ng kanin, dahil puro kamote at iba pang gulay ang hinahain para sa amin. "Sa tingin mo Talya, makakatakas pa ba tayo dito? Ang bulong ni Tsinoy, na nakasunod pala sa akin habang pasan ang mga kalabasa. Nagsasalita ito bigla sa likuran ko. "Balang Araw, makalaya din tayo dito. Hindi na kailangan tumakas pa, Sila na mismo ang bibigay para palayain tayo." Ang sabi ko kay Tsinoy. Si Tsinoy ay may katabaan ang katawan, ako ang nagbinyag sa kanya ng pangalang "Tsinoy" dahil sa masingkit ang mga mata nito na hawig sa isang Chinese. "Sana nga.." Ang huling bangit niya. Ramdam ko kung ano ang nararamdaman niya ngayon, nalulungkot siya at namimiss ang mga magulang, kahit naman sino sa mga batang tulad namin, ay maghahanap talaga ng "Mama at Papa". Pero ang totoo, kahit ako nawawalan na rin ng pag asa, pinapalakas ko lang ang loob nila. Bukod sa pagtatrabaho sa bukid, ay gawain din naming linisin ang malawak na mansyon. Higit pa sa katulong ang pinapagawa sa amin. Isang umaga, nakahanda na ang lahat, bitbit ang sako at bolo na gagamitin para sa pagbubungkal. "Sa araw na ito, may dalawampo't anim na sigundo kayo para abutin ang toktok ng bukid" Ang sabi ni Aling Sonya, sa isip ko malabo naming magawa iyon dahil kung sa lakad pa lang ay inaabot na kami ng halos limang oras sa sobrang layo. Pero hindi kami maka react dahil pag ginawa namin iyon, mas mabigat na gawain ang kapalit. Alam naming lahat iyon. "Maliwanag ba?" "Opo!" Sagot naming lahat. Strekta sa amin si Aling Sonya kaya ang sumunod na pangyayari ay nagbilang na siya. "Maghanda, Isa,,dalawa... Tatlo!" Pagbilang ng tatlo sabay sabay na kaming tumakbo. Pagkalipas ng isang taon, may bagong pasubok sa amin si Aling Sonya. Sa loob ng isang taong kailangan naming matutunan ang wikang, English, Nihongo ng Japanese at Italian. "Ang apat na lengwahe ay siyang magagamit ninyo sa kinabukasan. Bukod doon, ang Italian ay siyang unang lengwahe ni Don Geralt Monro. Sa kanyang pagbabalik dito sa isla ay kailangan nyo siyang kausapin sa lengwaheng Italian o English, maliwanag ba?" ang pasigaw na tono ni Aling Sonya. "Opo." Ang sagot naming lahat Nalampasan namin ang bigat ng mga pinapasan araw araw ngunit ngayon, sakit sa ulo na naman ang kailangan naming magawa. "Talya, mahina ako magbasa ng salitang english." Ang sabi ng kasama kong babae, siya rin ang tinulungan ko noong matumba siya na pasan ang isang sakong patatas. "Kaya mo yan, maliit na bagay lang yan kaysa patakbuhin tayo sa bukid." Ang paliwanag ko sa kanya. "O Sige nga .. basahin mo yan...?" "Da... da.. king ... ang.. kweng.." bigkas ko sa kanya habang binabasa ang ipinakita niya sa akin ang libro. "Ano ba yan Talya... The king and queen.. letter "EN".. yan ang katunog niya.." sabi ni Tsinoy. May pagka-matalino din ito si Tsinoy, sing taba niya ang utak niya. Kaming tatlo ay nagtutulungan sa pag aaral, maging ang iba pa naming kasamahan ay nahihirapan din lalo na ang pagbigkas ng Italian languages. Ang tamang pagbanggit at pagsusulat ng bawat letrang ibinigay ni Aling Sonya. Kailangan naming matutunan, dahil may ginagawang pagsusulit si Aling Sonya sa bawat paglipas ng tatlong araw. Kapag hindi nakapasa sa pasulit ay pinaparusahan niya ito at pinapaakyat sa bukid upang kumuha ng mga saging, mais, at maraming pang iba. hahakotin ito pababa ng bundok at dadalhin sa "safe house". Sa panahong ito nabawasan kami ng dalawa, ang isa ay na heat stroke, bigla nalang hinimatay sa bukid, kinuha ito ng mga taohan at hindi na namin alam kong saan siya dinala. Ang ikalawa ay dahil namatay ng matuklaw ng ahas sa bukid. Hindi siya nagamot agad dahil sinekrito niya ito, nagulat nalang kami ng hindi na siya bumangon sa higaan at wala ng malay. Dahil doon, natakot si Aling Sonya at binago niya ang schedule ng gawain namin. Sa edad na 15, Dito na kami sinanay ng mga gawaing physical, kung paano ipagtanggol ang sarili. Kahit video ng martial arts ay pinapanood na namin. Dumating ang eka-anim na buwan, natotohan na rin naming humawak ng baril. Ang kabisaduhin ang Rifle, shot gun, pistol at revolver, ito ang mga bagay na mabilis kong nakabisado kaysa pag aralan ang apat na foreign language. Kasama na dito ang pagmamaneho ng sasakyan. At 4:30 am nakapila na kami sa dalampasigan. Sa malawak na puting buhangin ng baybayin ng dagat, narito kami hindi para mangisda o panoorin ang sunrise. Kung hindi para sa isang pag iinsayo. Isa ito sa bahagi ng aming training, ang tumakbo na hindi lalagpas sa 40 minutes, ang baybaying dagat na ito ay may nakalaang 10 kilometro para sa aming pagtakbo, dalawang beses kaming iikot dito hanggang sa matapos. Matapos ng training ay babalik kami sa "safe house" upang pag aralan uli ang mga foreign language. Ngunit sa umagang ito ay may napag alaman kami. "Talya mangingisda ba iyon?" bulong ni Lilly sa akin, ang batang babae na kasing edad ko lang. Siya ang unang nakakita sa isang mangingisda sa gitna ng dagat. Sa isip ko, napakalayo niya upang mapansin kami. "Oo...tama ka mangingisda nga iyon" "Baka pwede tayo humingi ng tulong, para makatakas tayo dito" bulong niya sa akin. Napaikot ang aking mga mata sa paligid, base sa aking obserbasyon, malaki ang chance na makakatakas kami dito, sa oras na ito wala kaming bantay. Wala si Aling Sonya, pati ang madalas na kasama nitong dalawang armadong gwardiya. Tama si Lilly pwedeng mangyari na makakatakas nga kami, ngunit ang bangka na sinabi niya ay napakalayo pa, maaring makikita niya kami ngunit hindi niya kami maririnig kung pipiliting naming sumigaw. Nag isip ako ng paraan. Ang sumunod na umaga, ay agad naming ginawa ang planong pagtakas. Kinuha ko ang dalawang maliit na salamin sa aming kwarto inilagay ko ang mga ito sa aking bulsa ng makalabas ako ng safe house. Nang mapansin ko na halos kompleto na kami ay lima ang pinpabantay ko sa paligid upang maging tagamasid kung sakaling may darating na taohan o si Aling Sonya, samantalang ako ang magtatawag sa bangka ng mangingisda. Sinama ko ang ilan sa amin at nagpunta kami sa isang burol na mas malapit sa bangkang nakita namin. Ginamit ko ang salamin bilang komunikasyon sa bangkang nasa gitna ng dagat "Talya, wala pang senyales na parating na sila" boses ni Tsinoy na naririnig ko sa aking likuran. Nagpatuloy ako sa aking ginagawa upang makarating ang masakit na silaw sa bangka at makita ang kinaroroonan namin. Nagtagumpay ako, lumukso ako at kumaway sa bangkang dahan dahang lumapit sa dalampasigan saka ako sumigaw. "Pagbilang ko ng tatlo, sampo sa inyo ang maunang lumangoy, pilitin ninyong marating ang bangka, kung sakali man isa sa inyo ang makaligtas isumbong ninyo sa mga pulis ang mayroon dito sa isla." sabi ko sa naunang batch, at sinunod nila ang sinabi ko. Sabay silang nagtakbuhan at nilangoy ang dagat. "Talya, sabi nila bilisan daw baka makarating na ang bruha.." boses ni Tsinoy na nagsalita sa may kalayuan, Tinutukoy niya si Aling Sonya.Gumagamit din siya ng salamin bilang kumunikasyon at kamay bilang hand-sign para sa pag uusap. "Papuntahin mo ang mga babae, sila na ang susunod na lalangoy." Sabi ko at agad ginawa ni Tsinoy ang sinabi ko, ginamit niya ang kanyang kamay para sa pag uusap habang nakatungtong ito sa bato. Sa ikalawang bahagi ay nag antay pa ako ng isang minuto, pinasunod ko sa kanila ang anim na kababaihan kasama si Lilly. "Pero Talya, ayaw ko maiwan ka dito... nangako Tayo sa isa't isa na magkasama ano man ang mangyari..." pagsasalungat nito sa akin. "Mauna ka Lilly, kailangan mong maka alis dito, asahan ko na magagawa mo ang iyong misyon." "Hindi ako papayag, kung mananatili ka dito, dito nalang din ako..." sabi nito na nakasimangot ang mukha. "Ako din Talya, ayos lang sa akin na dito ako.. hindi kita iiwan, di bale nang puro mais ang kakainin ko makasama lang kita..." lumambot ang puso ko na naiinis, at naawa sa dalawang malapit kong kaibigan. "Hangad ko lang ang inyong kaligtasan, pero kung iyan ang inyong nais wala na akong magagawa." sabi ko sa kanilang dalawa. "Kayong lahat pwede na kayong sumunod ako na ang magbabantay para sa inyo, bilisan ninyo. "Bilis,! bilis!" mga boses na narinig ko mula sa aking mga kasamahan. Sa kaloob looban ko, sanay gabayan sila ng panginoon at makaligtas sa kapahamakan, sapagkat alam kong malalim at maalon ang dagat, dilikado sa edad namin na walang alam sa paglangoy. Mula sa taas ng burol tinatanaw ko ang aking mga kasamahan na sinisikap makatakas. Nang medyo makalayo na sila ay bumaba na kaming tatlo mula sa burol na parang walang nangyari. "Nasaan ang iba ninyong kasamahan?" sigaw ni Aling Sonya sa aming tatlo. "Sumagot kayo! kung ayaw ninyong paputukan ko ng baril ang mga taenga ninyo." Sunod na sinabi ni Aling Sonya. "Hindi po namin alam Aling Sonya.. nauna lang po kaming dumating dito at inaantay sila, pero wala na po sa kanila ang bumalik dito.." "Lintikan na Sonya, paano natin to sabihin kay Boss Geralt?" sabi ng kasama niyang lalaki. "May iba pang paraan.. e report ko ang iba na namatay, at humanap ka ng ibang batang dayuhan para idagdag sa mga pusang gala na ito.. bwesit!" "Kausapin ko ang mga kasamahan natin, baka makaharap sila sa ibang bayan.." dagdag pa ng isang lalaki. "O di kaya, kung tumakas ang mga iyon tiyak na hindi pa sila nakakalayo.. ipahanap mo agad sila sa buong isla ngayon din.." utos ni Aling Sonya.. "Tama, sige aalis na ako.." Lumipas ang isang linggo, pero hindi nahanap ang iba naming kasamahan. Napabuntong hininga na lang ako at natupad ang aking panalangin. Dito ko mas na challenge ang sarili na kahit sa murang isip ay may nagagawa din ako. Ang akala ko ay tapos na ang mga pamimili nila ng mga bata, nadagdagan kami ngayon ng labing anim, Ilan sa kanila ay di hamak na mas bata ang edad kaysa sa akin. Kaya mas lalong naghihigpit si Aling Sonya sa pagti-train sa kanila. Two year and two months ang lumipas; Lima kami na nasa loob ng puting van, para dalhin sa isang siyudad malapit sa city jail. "Common guys! make it fast. Alalahanin ninyo na kailangan nating matapos ito within 10 seconds!" paalala ng aming team leader. Gamit ang isang "silent gun", pinagbabaril namin ang police, mula sa ekawalong palapag ng isang gusali, malapit sa lugar. Lumabas ang isang lalaking may mahabang balbas sa "police service shuttle" malaya itong nakakilos. Maya Maya pa ay may huminto sa kanyang harapan na puting van at doon siya sumakay. Siya si Wakam Suwadere ang drug lord na nahuli ng mga autoridad. Ang taong ito ay siyang target namin para itakas mula sa habang buhay na pagkakulong na ipinataw sa kanya ng mga awtoridad. "Sana all, malaya!" sinabi ko. "Million ang halaga ng taong ito, nakita ko ang palitan ng pera kagabi. Ayon sa saksi, doble ang bayad nila kay Don Geralt kapag magtatagumpay tayo sa mission na ito." sagot sa akin ng aming team leader. Napabuntong hininga na lamang ako. Sumunod na araw ay sampo kaming ipinadala sa Italy. May malaking agency si Don Geralt Monro sa Manila, kaya mabilis para sa kanya ang makapagpalabas ng tao bilang Overseas Filipino worker. Syempre, lahat ng mga identity namin, ay puro "fake" lahat. "Labing anim na ka tao ang napatay ko, sa tingin mo ba susunduin na ako ni kamatayan?" Tanong ni Tsinoy. "Paano mo nasabi?" "Nakokonsensya na kasi ako Talya, ayaw ko na pumatay. Gusto ko ng tumigil." "Malabo mangyari iyan, pero may binabalak ako kung paano Tayo makaalis sa sitwasyon na ito. kunting tiis na lang." Sagot ko sa kanya. Nagbubulungan kami sa gilid habang nakatayo at nag aantay ng ibang customer na darating, soot ang uniform bilang server, ang iba sa amin abala sa pagse-serve samantalang ang iba nasa counter. Isang makalumang mansyon, pero high-tech ang loob ng skulptura dahil sa nakapaligid na laser at magkabilaang "spy camera" Bawat tao na pumapasok at lumabas ay automatically detected ng makabagong teknolohiya, kasama na ang identity nito. Ibig sabihin kailangan, member ka ng group na ito o di kaya, isa ka sa mga VIP. Kinabukasan ng Gabi; "Sigurado ka na ba na kaya mo?" Tinatanong ko si Tsinoy. Naghahanda ito ng mga gamit niya para tumakas. "E Ikaw? Sigurado ka bang ayaw mo sumama sa akin?" "Gustohin ko man, pero kailangan isa sa atin ang maiiwan, kung hindi pareho tayong uuwi sa Pilipinas na bangkay." Hindi na siya nagsalita pa, sumilip siya sa bintana upang tingnan ang buong paligid ng nasa baba. Tinulungan ko si Tsinoy na makatakas, sumakay siya sa isang kariton ng mga basura. para hindi ako mapaghinalaan, inakyat ko ang bintana at bumalik ako sa kwarto ko at nagkunwareng bagong gising lang. "Talya," Ang boses na tumawag sa akin pagkalabas ko ng kwarto. Alam ko kung sino iyon, ito ang aming pinuno, si Gilbert. Siya ay isang purong Italyano. Matagal na niya akong pinagmamasdan. Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nakita ba niya na pinatakas ko si Tsinoy? "Katapusan ko na" sabi ko sa sarili ko habang bumibilis ang t***k ng puso ko. "What?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sa akin si Gilbert na may seryosong mukha. Dalawang lalaki ang nakatayo sa likuran niya. Ang mga baril ay nasa kanilang baywang. Walang baril si Gilbert sa katawan pero siya ang master ng lahat ng martial arts men dito. Pinilit kong kalmahin ang sarili upang hindi ito maghinala. "How was your sleep?" tanong ni Gilbert sa akin. Bumuntong hininga ako ng ma realize kong wala itong napapansin o naiisip. "Its good" sinabi ko. ano kaya ang gusto niya sabihin sa akin ngayon? Bulong ko sa aking sarili. "Il capo Gilbert mi ha chiamato, devi tornare nelle Filippine e fare rapporto a lui, ( Boss Geralt called me, you have to go back to the Philippines and report to him.)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD