"Pero Talya, kung anong pinagdaraanan mo ngayon dapat andon kami. Kasama mo kami sa laban na ito." "Hindi ko kayang mawalan pa ng isang kaibigan. Pangako, sa pagbabalik ko kasama ko na si Tantan. Euuwi ko siya dito at magkasama na uli tayo bilang isang pamilya, magkapatid. Sama sama tayong tatanda dito." sinabi ko sa kanila upang patatagin pa ang loob nila, kahit na ang totoo ay natatakot na din ako. Takot sa kung ano ang maaring mangyari sa hinaharap. "Sa pangpang ng Isla Buenavista, mag aantay kami sayo doon. Maghahanda na rin kami para sa ano mang mangyari. Aantayin ka namin doon." sinabi naman ni Alice na kabisado ang Isla ng Buenavista, ito ay nasa hilagang bahagi mula sa kinaroroonan ng Siargao Island. "Kayo na lang ang maaasahan ko. Pangako darating ako." sinabi ko at muli nagkay

