LENZY'S P O V " Welcome home!! " " Oh! Oh! Dahan- dahan! " " Kumusta ang mga bakasyunista!? " Salubong sa amin at komento sa pagdating namin sa compound. Dito mismo sa likod ng mansyon bumaba ang chopper na sinakyan namin. " Okay lang po, kumusta rin po kayo rito? " kiming tugon ko sabay usisa na rin, yumakap na rin ako sa kanila at humalik sa pisngi. " Anak, umupo ka rito para hindi ka mahirapan. " masuyong paalala ni Mommy at inilapit sa akin ang wheelchair na binili kanina pagkalabas namin sa ospital. " Delikado pa ba ang pagbubuntis mo? " masuyong tanong ni Tita Malou " Opo, " kiming saad ko naman " Tara na sa bahay para makapag pahinga ka. " Kumpleto na naman ang pamilya ni Daddy na sumalubong sa amin, initulak na nila nga wheelchair ma kinauupuan ko palayo para wa

