FRANCO'S P O V Isang oras ang pinalipas ko pagbalik ko sa guestroom tsaka ako lumabas ulit pra tangkaing umakyat sa second floor ng bahay ng kapatid ko. Para hanapin kung nasaan ang k'warto ni Lenzy para makapag- usap kami. Hindi ko pa kasi alam kung hanggang kailan ako bibigyan ng punishment ng mga pamangkin ko. Kaya alam kong matatagalan pa bago kami payagan ni Lenzy na magkita. Walang ingay akong lumabas at nakiramdam sa paligid, nang tahimik na ay tahimik akong naglakad pagawi sa hagdan ng bahay. Pigil- pigil ko ang aking paghinga habang humahakbang. Tanging ilaw sa poste sa paligid ng bakuran nanggagaling ang liwanag dito sa sala na dumadaan sa hanggang ceiling na bintana. Nang nasa baitang na ako ng hagdan ay lumakas naman ang kabog ng aking dibdib. Tila ako magnanakaw na lumin

