FRANCO'S P O V " Relax! Okay lang kahit ano ang maging gender ng baby natin! Kung ako lang ang masusunod ayoko ng may pa ganyan pa! " sambit ko sabay hagod sa magkabilang braso ni Lenzy malapit sa balikat. Tsaka ko hinalikan ang kanyang ulo, naka upo kasi s'ya sa harap ng vanity mirror, actually, nakabihis na kami para nga sa gender reveal party ng aming baby. Hindi pa lamang s'ya tapos mag- ayos ng buhok. " Hindi naman ako kinakabahan sa ating gender reveal party, Babe. Wala naman ngang problema tungkol doon. Ewan ko ba parang hindi lang ako mapakali after ng ating outing. Hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko. " paliwanag naman n'ya " Overwhelmed ka lang siguro sa nangyayari sa atin, kasi wala na tayong problema! After mo namang manganak ay ikakasal tayo sa simbahan! " pag- che

