LENZY'S P O V " H'wag n'yong isipin ang hindi pa nangyayari! Alalahanin mo, baka sa susunod na ospital iyang asawa mo ay mawala nang tuluyan iyang baby n'yo! " sermon ni daddy Robin kay Franco kaya naman pigil ko lamang ang aking tawa para hindi s'ya ma offend, kung minsan kasi ay may pagka bata pa talaga kung umasta itong asawa ko. " At least pwede nating pag handaan. " hirit pa nitong katwiran sa mga magulang habang nagka kamot ng ulo Pagka uwi nito kasi galing sa Kapitolyo ay inungkat nga n'ya habang kumakain kami ng dinner ang tungkol sa posibleng paglitaw ng aking tunay na ama. Hindi muna nag bigay ng opinyon sila Mommy at Daddy. Tinapos muna namin ang aming pagkain kaya rito na kami sa maluwang na sala nag- uusap. Umuwi na rin ang ibang family members namin after dinner kaya ka

