FRANCO

1609 Words
THIRD PERSON P O V " Magandang umaga po, Governor!! " salubong kay Franco ng mga mamamayan ng Sitio Catalina nang dumalaw s'ya para inspeksyunin ang pina pagawa n'yang tulay roon, na magdudugtong sa dalawang barangay, s'yempre, under sa project ng Provincial Government. " Magandang umaga rin naman! Kumusta kayo rito? " magiliw naman n'yang bating tugon sa mga nanduroon " Maayos naman po, Gov! " " Okay na okay po, Gov, mula ng kayo ang naging Ama ng Lalawigan. " " Oo nga po, Gov,, hindi na po kami nangangapa sa dilim kapag gabi dahil sa solar projects n'yo. " " Hindi na rin po nahihirapan na pumasok sa eskwela ang aming mga anak dahil sa inyong road project. " Kan'ya- kan'ya namang komento ng mga kaharap nila. " Mabuti naman po kung ganoon, basta po may kailangan kayo ay magpasabi lamang po kayo sa kapitolyo at i- schedule natin ang pagpapagawa. " matamis ang ngiting tugon naman ni Franco sa kanila " Maraming salamat po talaga, Gov! " " Ang bait n'yo po talaga sa mga taga rito sa Sta. Catalina. " masayang sambit naman ng Kapitan ng barangay " Kahit naman po saang barangay ay pantay- pantay po ang ibinibigay nating pondo. Mas marami laman pong kailangan na ipagawa rito kaya po mas maraming projects. " paliwanag naman n'ya sa mga mamamayan Medyo kabundukan na kasi ang Sitio Catalina kaya naman hindi pa nararating ng mga electric company. Mayroon namang poso sa kada dalawang daang metro kaya walang dahilan para wala silang mainom na malinis na tubig. Buwan- buwan din ay mayroong umaakyat na mga Medical Team para i- check up sila at maagapan kung ano man ang mga karamdaman. " Ang bait n'yo po talaga, Gov! Ang swerte po ng asawa n'yo sa inyo! " bulalas naman ng isang Ginang Kaya naman mahinang natawa ang batang- batang Governor. " Naku! Wala nga po e! Kahit po kasintahan ay wala po ako. " natatawang tugon naman n'ya Isa rin iyon sa katangian ni Franco na wala ang kan'yang naging kalaban sa eleksyon. Ang maging magiliw sa mga tao, na wala sa tinalo n'yang kasalukuyan noong Governor. Kilala ang pamilya nila dahil sa malawak na lupain at maraming negosyo sa Lalawigan. Dito naman ipinanganak si Franco at nag- aral ng hanggang High School. Pumunta lamang s'ya sa Manila para mag- aral sa Kolehiyo sana at babalik din dito sa Sta. Fe para i- manage ang kanilang lumalaking negosyo. Dahil nagkaruon s'ya ng kasintahan sa Manila ay dumalang ang uwi n'ya ng Hacienda. Wala namang nagawa ang kan'yang tumatandang mga magulang sa Kan'yang kagustuhan. Kaya mula noon ay kapag may okasyon lamang sa Hacienda tsaka ito umuuwi kasama nga ang Nobya. Ngunit isang pangyayari ang nagpa balik sa kan'ya sa Sta. Fe nang ipag palit s'ya ng Nobya sa Modelling Career nito. Kaya sa galit ay hindi na n'ya ito kinausap kahit madalas namang tumatawag tru video call. Ang katwiran n'ya kasi ay ipinag palit n'ya ang pamilya para sa kan'ya ngunit ipag papalit naman pala s'ya nito sa career. Kaya naman umuwi na s'ya ng Sta. Fe at bukas palad naman s'yang tinanggap ng kan'yang pamilya. Noon naman n'ya natuklasan ang hindi magandang pamumuno ng kanilang Ama ng Lalawigan. Kaya naman naka buo s'ya ng pasya na kakandidato bilang Governor dahil naaawa rin s'ya sa mga mamamayan nila. Buong puso naman s'yang sinuportahan ng kan'yang pamilya. Isa rin iyon kung bakit nakalimutan n'ya kaagad ang pagka sawi sa pag- ibig. Lalo na no'ng nanalo na s'ya, marami naman ang mga babaeng nagpapa lipad hangin sa kan'ya kaya hindi naman na- se- zero kahit papaano ang kan'yang s3x life. " Ay! Gov, sayang naman po kung wala pa kayong Nobya, mga ganyang lahi po ang pina parami para dumami ang mga pogi! " bulalas pang wika ng isang Ginoo kaya naman nabalik s'ya sa kasalukuyan. Natatawa na lamang s'ya sa dami nang komento nila nang malamang single pa s'ya. Iyong iba nga ay tinatanong pa kung ano raw ang type n'ya sa isang babae at ihahanap s'ya ng magiging Nobya o Kasintahan. Puro tawa lang naman ang isinasagot n'ya sa mga ito, mula nga kasi na maluklok s'ya bilang Ama ng Lalawigan ay wala pa s'yang nagiging seryosong relasyon. At hindi naman n'ya alam kung kailan n'ya iyon mabibigyan ng pansin dahil naka tuon nga kasi ang kan'yang buong atensyon sa kan'yang tungkulin sa bayan. Kapitolyo- bahay, bahay- Kapitolyo lamang ang kan'yang everyday routine at kapag weekend naman ay naggo- golf s'ya kasama ng mga kaibigan no'ng college na nasa Manila pa. Tatlo silang magkakaibigan ngunit pare- parehong mga wala pang kasintahan kaya naman sila- sila lamang ang laging magkakasama. Kung minsan naman ay pumupunta sa Hacienda nila ang dalawang kaibigan n'ya para nga makapag- bonding sila lalo na at hindi naman busy sa kanilang mga negosyo. Pero ang pag- aasawa at o pakikipag- relasyon ay tila wala pa sa priority ng Ama ng Lalawigan ng Sta. Fe sa edad na Trenta y tres. Waring malaki kasi ang naging pilat sa puso n'ya ang naiwan ng dati n'yang Nobya kaya hanggang ngayon ay hindi pa ulit s'ya pumapasok sa isang relasyon. Hindi naman malaman kung takot pang sumubok ulit o talagang abala lamang sa pagiging Governor? Kaunting kwentuhan pa at nagpa- alam na s'ya sa mamamayan ng Sitio Sta. Catalina na babalik na sa Kapitolyo. Marami namang pinadalang mga prutas at gulay ang mga ito sa kan'ya bilang pasasalamat. Kinuha naman n'ya lahat, alam naman n'ya kasi na kapag hindi n'ya iyon tinanggap ay masasaktan ang mga ego nila. At sabihin pang komo maliit na bagay ay hindi n'ya pina pahalagahan. Bumibyahe na nga sila pabalik ng Kapitolyo nang mag- ring ang kan'yang personal phone. Kinuha n'ya iyon sa kan'ya sling bag tsaka ni- accept ang tawag kahit hindi pa n'ya nakikita ang caller. Basta kasi sa personal phone n'ya tumatawag ay family n'ya lamang iyon at close friends. " Hello! " bati agad n'ya at nalaman n'ya agad kung sino ang may ari ng boses, " Sige! Sige! Papunta na kami riyan. " tugon n'ya sa kausap at ni- end agad ang tawag, " John, sa school tayo ni Lenzy, wala raw ang kan'yang Prof kaya uuwi na lamang s'ya. " baling naman n'ya sa Driver n'ya, katabi nito sa unahan ang kan'yang Secretary na si Joy. " Opo, Gov! " magalang naman nitong tugon at binilisan na ang pagda- drive, ngunit sumusunod pa rin naman sila sa batas trapiko, nasa probinsya naman kasi sila kaya walang masyadong traffic. Ilang sandali pa ay naka sakay na rin si Lenzy nga sa kotse n'ya. " Ang tagal n'yo, Uncle! " reklamo nito pagka- upong pagka- upo sa tabi n'ya sa likod ng Driver. " Galing kaming Sta. Catalina kaya malayo pa ang ni- byahe namin. " malumanay, seryoso at maikling tugon naman ni Franco sa pamangkin kaya hindi na nakakibo ang dalaga. Kapag ganoon kasi ang tono ng Uncle n'ya ay ibig sabihin niyon na mainit ang ulo nito kaya tumahimik na lamang si Lenzy. Wala ring kumikibo sa dalawang kasamahan nila sa sasakyan kaya naman tahimik sila hanggang makarating sa Kapitolyo. " Anong prutas po, Gov ang iaakyat ko? " tanong naman ng Driver n'ya bago sila bumaba ni Lenzy ng sasakyan. " Kaimito at Dragon fruit. " tipid naman n'yang tugon at hindi na hinintay na sumagot ang kan'yang kausap tsaka sila bumaba ni Lenzy sang sasakyan. Kilala naman na sa buong Kapitolyo na pamangkin n'ya ang dalaga kaya naman sanay na silang nakikita itong lagi n'yang kasama. Naglalakad nga sila patungo sa leeva ay naka hawak pa ito sa kan'yang braso, naka sunod naman sa kanilang likuran ang kan'yang Secretary. " Paki dalhan kami ng juice, Joy. " utos naman n'ya sa kan'yang Secretary nang makarating sa floor ng kan'yang opisina. " Sige po, Gov! " mabilis naman nitong tugon at nang lumingon kay Lenzy ay inirapan s'ya nito bago tinungo ang pantry. Kaya naman ang dalaga ay nanlaki ang mga mata at bibig sa inasal ng kalihim ng kan'yang Uncle. Sa pagkaka tanda n'ya kasi ay wala naman silang alitan nito. Kung bakit ngayon ay tila galit ito sa kan'ya kaya naman naguguluhan s'ya rito. Hindi naman n'ya mabanggit sa kan'yang Uncle at baka mawalan ito nang trabaho ay kawawa naman. Sumagi rin kasi sa isipan n'yang baka may pinag dadaanan lamang ito sa pamilya kaya mainit ang ulo. " Uncle, tulungan ko po muna si Ate Joy sa ginagawa n'ya. " paalam naman n'ya sa Tiyuhin na busy sa harap ng laptop nito " Okay! " tipid naman nitong tugon ngunit sa screen pa rin ng computer naka tutok ang mga mata Kaya naman iniwanan na n'ya ang bag sa couch at nagmamadali na s'yang lumabas ng opisina nito. Tsaka mabilis na tinungo ang pantry, dinatnan n'ya roon na hinuhugasan na ni Manong John ang mga prutas samantalang si Joy ay nilalagay na sa tray ang isang pitcher ng juice at dalawang baso. " Tulungan na kita Ate Joy. " magiliw pa n'yang sambit dito ngunit tinabig lamang nito ang kamay n'ya na akmang kukunin ang tray. " H'wag na! Doon ka na sa tabi ng Uncle mo! " tila naman nanunutya ang boses nito at s'ya na ang kumuha na tray at tinalikuran s'ya para pumasok sa opisina ni Franco. Sumunod naman ang nonchalant na Driver ng Tiyuhin kaya naman napuno ng pagtataka ang kan'yang isipan at ilang minuto muna ang pinalipas n'ya para mawala ang sama ng loob kay Joy bago pumasok din sa marangyang opisina ng kan'yang Uncle. Dati naman kasi ay close silang dalawa kapag nando'n s'ya sa Kapitolyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD