THIRD PERSON P O V " Ninety seven . . . ninety eight . . . ninety nine . . . ome hundred! . . . " hinihingal na bilang ni Franco sa kanyang push up exercise. Dahil sa pagod naman ay tuluyan na s'yang napadapa sa bermuda grass ng garden. Dito kasi pumwesto bilang part daw nang punishment kay Franco ay pinag- push up nga s'ya ng one hundred times. Pagkatapos nilang mag- usap- usap kanina ay umuwi na ang mga kaibigan ni Franco sa bahay nila. Dahil nandoon ang sasakyan nilang ginamit patungo sa mansyon nila, kukunin lamang nila iyon at babalik na sila sa Manila. Naiwanan na nga s'ya para gawin ang punishment kuno ng mga pamangkin. " Ano ba 'yan Uncle, push up pa lang nanghihina ka na ho. " reklamo ni Dos habang nakamasid sa kanya na nakadapa pa rin sa bermuda grass. " Paano n'yo po mabu

