THIRD PERSON P O V " Oh!? Uncle, ano po ang ginagawa n'yo rito sa silid ni Bunso? Hindi po dapat ay nasa ibaba lamang kayo!? " paninita ni Uno sa Tiyuhin, gayunpaman ay nagsalita pa rin s'ya ng 'po' sa Gobernador. Nakaupo na ulit si Franco sa silya sa gilid ng kama ni Lenzy. Napa nganga naman si Lenzy sa narinig, " Kuya! Kung pag salitaan mo si Un - si Franco parang hindi mo Tiyuhin! " Inis namang wika n'ya Hindi naman makahuma ang binatang Gobernador, nawala rin siguro sa loob niyang may punishment pa s'ya sa mga pamangkin. " Bakit, Lenzy!? Aba! Nag- iisa ka lang naming kapatid na babae, alam mong prinsesa ka namin! Kaya naman dapat magpaka hirap muna ang mga manliligaw o magkaka gusto sa'yo! " katwiran naman ni Uno sa bunsong kapatid, " Right, Uncle? Ganoon naman po dapat ang gaw

