LENZY'S P O V Nahiya pa ako sa pag- overthink ko na baka umuwi na si Franco rito sa compound kaya hindi ko s'ya nakikita. Napag bintangan ko rin si Mommy na tila kumokontra sila na magkalapit kami ni Franco. Iyon pala ay binigyan nang punishment ng mga Kuya ko. Overwhelmed din naman ako dahil boto ang pamilya nila Daddy Lennon sa akin bilang karelasyon ni Franco kahit malaki ang agwat ng aming edad. At alam naman nila ang aking pinagmulan. Gusto na kasi kaming ikasal e hindi pa nga kami nakakapag- usap ng sarilinan ni Franco. Kung ako lang ay alam ko sa sarili kong mahal ko s'ya. Paano naman si Franco? Baka naman kasi mapilitan lamang s'yang pakasalan ako dahil dinadala ko na sa aking sinapupunan ang magiging panganay naming anak. Ayoko namang matali s'ya sa akin na habambuhay tapos

