LENZY'S P O V " Bbaaarrff " takbo ko sa banthroom ng aking silid dahil babaligtad na ang aking sikmura kahit wala pa naman akong kinakain dahil kakagising ko pa lamang. Halos lumabas na nga ang laman loob ko pero pa rin nawawala ang aking morning sickness. Araw- araw na lamang ang ganito sa tuwing magigising ako. Kaya naman naiiyak na lamang ako dahil sa panghihina at sa isiping ang magaling na ama ng magiging anak ko e nasa kandungan ng ibang babae. Kaya naman iniiyak ko na lamang ang pagkabigo sa pag- ibig. First love and first heartbreak, ngunit kapag kaharap ko naman ang pamilya ko ay tila wala akong iniindang sakit sa puso. Dahil ayokong mag- alala sila sa akin. Kahit nga ang mga pagkain na pinag lilihian ko ay sila na rin ang bumibili. Kung minsan nga ay nahihiya akong magsab

