FRANCO'S P O V " Hello po! Kumusta po kayo!? " magiliw na bati ni Lenzy sa nakaka sabay naming magpapa pre natal check up din. " Mabuti naman po, Ma'am Lenzy! " halos sabay- sabay naman nilang tugon na bati sa aking Misis, " Hi po, Gov.! " " Hello! " matamis ang ngiting tugon ko naman at kinamayan ko pa isa- isa ang mga future daddy na kasama ng mga asawa nila tulad ko. " Mauna na po kayo, Gov.! " saad nila, ibig sabihin ay sa pila para nga makapag- pre natal check up si Lenzy " Naku, hindi na po! Dito na lang po kami sa last na pila! " mariing tanggi naman ng aking asawa, nakaupo na rin naman kasi s'ya sa dulo. Nasa abroad kasi ang OB Gynecologist n'ya kaya rito muna kami ni- refer sa pinsan nito. Iyon nga lamang ay kailangan naming pumila, may nauna na kasi sa aming lima pa. N

