CHAPTER - #02

1965 Words
'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos "       KINABUKASAN balik sa normal ang buhay ni Samantha, pumasok sya sa studio. Mabigat ang kanyang pakiramdam tila ba nagsasawa na sya sa kanyang buhay, na araw-araw palagi nalang ganun ang takbo.. Papasok palang sya sa silid kung saan sila nagtitipon na mga mananayaw, mas lalong uminit ang kanyang ulo dahil lahat nang mata sa kanya nanaman nakatingin.." At bakit ganyan ang mga tingin nyo? Daig nyo pa imbestigador kung makasipat ah..!" mataray nyang puna sa mgaa eto.   Di naman nakapagpigil ang isang dancer na irapan ang dalaga. Halos lahat nang mga eto galit at inis sa kanya dahil na rin sa ugali ni Samantha kaya naman halos wala din syang kaibigang matalik kung meron man nakikisalamuha sa kanya mga kaibigang may dalawang mukha din. Alam din naman ni Samantha yon kaya halos di din nya pinagkakatiwalaan ang mga eto, dahil para sa kanya ang kanyang buhay lang ang nakikita nitu..   Bago pa magkainitan ang lahat, tinawag na sila para sa rehersal. Kaya naman nagsilabasan na din ang mga kasamahan ni Samantha, as usual sya ang huling lalabas gusto nya kase ang piling na V.I.P., she's always like this mas gusto nyang mas maraming naiinis at nagagalit sa kanya, feeling nya sikat na sya kapag pinag-uusapan sya. "Miss. Alejo kung mahal mo pa ang trabaho mo, matutu ka naman sanang makibagay, kabago-bago mo ganyan kanang umasta..!!" puna sa kanya nang nag-caurougraph sa kanila. Hindi naman sya sumagot..   Tuloy sa pagsayaw at pag-insayo lang si Samantha. Wala syang pakialam kung pinag-uusapan na sya nang mga kasama nya ang mahalaga sa kanya ginagawa nya ang kanyang trabaho.. Ilang minuto nalang at mag-uumpisa nang e-ere ang programa kaya naman kanya-kanyang bihis na ng kanilang mga damit. ang iba naman ay naglalagay nang kanilang make-up. Sya may sariling mundo sya, ayaw nyang makisabay sa mga eto kadalasan, paano naman kase ang iba sinasamantala naman ang kanyang make-up, mahal pa naman ang bili nya sa mga eto..   Natapos ang show na iyon nang wala namang aberya, dahil kensenas katapusan ang sahod nila, alam nyang may laman na rin ang kanyang a.t.m.. Habang nagpapalano ang grupo na lalabas nang gabing iyon, wala naman sya sa kundisyong lumabas, magbabayad din kase sya nang apartment at iba pa nyang bills. Kaya nagdahilan nalang muna sya na may raket pa syang pupuntahan. Lihim namang nagbulungan ang kanyang mga kasamahan.."If I know, walang datung yan kaya ayaw sumama. Ang yabang kase.." wika nang isa ding baguhang dancer..   Dahil sa narinig ni Samantha agad naman nag-init ang kanyang tenga.."Anong sinabi mo? Parang sinabi mo nang pulubi ako ah.. Bakit saan nyo ba gustong pumunta?" napipikang tanong naman ni Samantha..   Agad namang sumagot ang isa.."Kakain muna tayo sa Zao Vietnamese Bistro Restaurant.. Syempre sosyal ang pagkain dun at mahal, then going to the near night bar, para mag barhap naman.." maarteng turan nitu..   Dahil sa naiirita si Samantha sa arte at paliwanag nang kasamahan. Agad naman syang umuoo.. "Sige pupunta ako mamaya doon sa Eastwood Q.C.. Tawagan ko kayo kapag maagang natapos ang show.." sagot ni Samantha..   Agad syang nagpaalam sa mga eto sa dahilang may fashion show pa sya. Alam naman nang mga eto na freelance model din si Samantha, kaya lang madalas na di sila naniniwala dahil nauuna pa ang kayabangan nitu. Nang makalabas nang building agad namang tumawag nang taxi eto, ngunit lahat nang parahin nya ay may laman. Nang sa wakas may huminto ding sasakyan sa harapan nya. Agad nyang binuksan ang backseat door nitu, at pasalampak na naupo..   Agad na pinaandar nang driver ang sasakyan.."Sa wakas nagkita din uli tayo. Akala ko tuluyan mo na akong matatakasan eh..!" wika nang nagmamaneho.. Nagulat naman si Samantha nang makita sa side mirror kung sino ang lalaki..   Eto ang lalaking nabasag nya ang salamin nang sasakyan. Ngunit iba naman ang dalang sasakyan nitu. Kinuhanan sya nang larawan nang lalaki.." anong ginagawa mo? Ibaba mo ako? Kung di tatalon ako dito sa sasakyan mo!?" pananakot naman ni Samantha..   Natawa naman ang lalaki.."Eh di tumalon ka sino bang mababalian nang buto ako ba oh ikaw..?" sabay tawa nang pang-iinis nitu..   Dahil sa ginawa nang lalaki akmang bubuksan naman nang babae ang pintuan malapit sa kanya. Ngunit naka-lock iyon.."Ano bang kailangan mo sa'kin ha..?!" galit na ang tono nang pananalita nang dalaga..   Nilingon naman nang lalaki eto. Ngunit imbis na bulyawan eto tila nagbago ang kanyang ibig mangyari. Ngayon nya lang eto napagmasdan, napakaganda pala nang babaeng walang-hiyang bumasag nang dala nyang sasakyan kahapon. Nakamaiksing short lang eto at v-shape na spagheti strap kaya naman nakita pa nitu ang bahagyang clebage na nakaumang. Dahil sa mga titig nang lalaki agad namang tinakpan ni Samantha ang kanyang dibdib.."Hoy manyak! Hindi ako natatakot sa'yo, ibaba mo ako kung hindi. Makikilala mo sino si Samantha Alejo..!" galit na wika nang dalaga..   Lalo naman ngumiti ang lalaki.." So Samantha Alejo pala ang pangalan mo.. I'm Raffy.. Raffy Fareedy.." natutup naman ng babae ang kanyang bibig.." bakit ba sinabi ko ang buo kung pangalan, baka mamaya i-reklamo na nya ako.." bulong pa ni Samantha sa sarili..   Nang inabot nang lalaki ang kamay nitu para makipagkamay kay Samantha, inabot naman nya eto.."Magkano ba kase ang pagpapagawa nang salamin mo?!" kanyang tanong na may kasamang sama nang loob..   Muling tumawa si Raffy sa sinabi nang babae.."Sige hindi na kita sisingilin, basta may kondisyon.. You would go out with me tonight at papayag kang maging consepto ko sa isang event.." sagot ni Raffy..   Dahil sa sinabi nang lalaki may tumakbo naman agad sa isipan ni Samantha..."Sure magkita tayo sa Easwood city, around eight o'clock in the evening.." binigyan pa nya nang kanyang numero ang lalaki. Napaka lapad naman nang ngiting isinukli ni Raffy sa dalaga..     Nang makuha naman ni Raffy ang numero sinigurado nyang numero nang dalaga iyon tinawagan nya ang cellphone nang dalag, kinuha naman ni Samantha ang kanyang cellphone sa loob nang bag dahil tumunog iyon.. Tiningnan naman nang masama ni Samantha ang lalaki.. "Anong tingin mo hindi ko numero ang binigay ko sa'yo..? Epokrito.." wika pa ni Samantha.. "Ganyan ka ba talaga? Sasabihin mo kung anong gusto mo sabihin.. Mag-ingat ka galit ang mga taong labas sa mga ganyan.."pananakot naman ni Raffy.. "Tutal isinakay mo na rin lang naman ako, ihatid mo nalang ako sa pupuntahan ko.." singhal pa nang dalaga.. "Okay sige, saan ka magpapahatid?" pormal namang tanong ni Raffy.   Nag-isip naman si Samantha, hindi sya pwede magpahatid sa kanyang apartment. Magpapahatid nalang sya sa malapit na mall sa kanyang apartment saka doon nalang sya sasakay nang taxi.. "Ihatid mo nalang ako sa Quezon Ave. Malapit sa gate mall doon.." sagot naman nang dalaga.   Agad namang pinaandar nang binata ang sasakyan.. Habang binabay-bay ang daan patungo sa sinabing lugar ni Samantha di naman maiwasan ni Raffy na magtanong.."Anong trabaho mo..?   Sa tanong naman nang binata ay isang irap ang isinagot ni Samantha.."Close?! Close ba ba tayo para mag Q and A kana agad sa akin..!" mataray na sagot nitu..   Di naman pinansin ni Raffy ang pagtataray nang dalaga.."Ako isang photographer, may sarili din akong photo shop.. Eto ang hilig ko.. Eh ikaw?" kwento nang binata at tanong muli nya..   Iningusan lang ni Samantha eto.."Magkano ba ang kita nang isang photographer? Ilan ang sasakyan mo? Magkano ang savings mo sa account mo?" sunod-sunod na tanong nang dalaga. Wala syang pakialam kung ano ang iisipin nang binata..   Mas lalong tumawa nang malutong si Raffy.."Wow parang ang mga tanong mo eh kung wala ako nang mga iyan, hindi ako pweding makipagkaibigan sa'yo ah.." sagot nitu..   Ipinitik naman sa ere ni Samantha ang kanyang mga daliri.."Oh.. May utak ka din.. Exactly, ayoko makipagkaibigan o makipag relasyon sa mga taong wala naman akong mapapala.." garapalang sagot nang dalaga..   Sa sinabi na iyon ni Samantha, nilingon naman sya ni Raffy nanantya kung seryoso eto, nang makita nyang seryoso ang mukha nang babae. Napailing-iling nalang sya.."I can't believe na may mga babae talagang ang taas nang pangarap or should I say pangarap ang salapi.." wika nitu..   Umarko naman ang kilay nang dalaga sa sinabi ni Raffy.."Alam mo I'm bieng praktical, aanhin ko ang pagmamahal kung magugutom naman ako? Gwapo ka ha, at maganda ang tindig mo kahit sinong babae pagnakita ka tyak magkakagusto agad sa'yo.. Kaya lang ako wallet atraction first, bago ko tinitingnan ang mukha.." mahaba pang litanya ni Samantha..   Nangiti naman nang tipit si Raffy.."Andito na tayo, gusto ko lang malaman kung sisiputin mo ako mamaya, kahit na alam mong di ako mayaman, wala akong maraming pera..?" nakangiti namang tanong ni Raffy..   Binuksan nang dalaga ang pinto nang sasakyan.."Oo naman pwede naman kitang pagtyagaan ngayon eh.." sagot ni Samantha.."Wow talagang pagtyagaan lang ha..." nakatawang sagot ni Raffy, di naman sya nasasaktan sa mga sinasabi nito, ang gusto nya lang ay makipagkaibigan, at plano nyang alukin eto na maging modelo sa kanyang photo exibit..   Matapos makapagpaalam si Samantha, pumasok naman sya sandali sa mall may ilang bagay lang syang binili para sa kanya. Bumili din sya nang kaunting grocery para sa kanya at agad din namang umuwi nang kanyang apartment sakay nang tinawag nyang taxi.   Nagpahinga sya sandali sa kanyang higaan nang makarating nang bahay. Bukas wala syang pasok dahil araw nang Linggo pero kailangan nyang pumunta nang SM Annex para sa kanyang fashion show na dadaluhan nya. Kaya di sya kailangang masyadong magpagabi sa lakad nila mamaya..   Bago sya umalis nang bahay, kumain muna sya. Baka kase hindi rin sya siputin nang lalaking kausap sa restaurant na sinabi nya. Mainam nang busog sya, para dumating man ang mga kasamahan nya di na sya oorder nang makakain na heavy.. Maaga syang dumating sa kanilang usapan, soot ang kanyang backless na long cut dress na akala mo kita na ang nakatago nya dahil sa haba nang slit nitu..   Papasok sya nang Restaurant nang mabangga sya nang isang lalaki. Hindi sya napansin nitu dahil nakatingin eto sa kausap sa likod habang lumalabas nang restaurant na iyon. Dahil may kalaparan ang katawan nang lalaki, muntikan pang ma-out of balance si Samantha..   Mabuti nalang at nasa isang class syang restaurant kung hindi, dinakdakan nya eto.. Agad naman syang inalalayan nang lalaki.. "I'm sorry.. Are you okay?" tanong nitu..   Pinukol naman nang masamang tingin nang dalaga ang may edad nang lalaki, magara ang suot na damit nitu at kung di sya nagkakamali marahil nasa mid sixty na ang edad nitu.."How to be okeay muntik nang masobsob ang mukha ko sa sahig dahil di kayo nag-iingat..!" mataray ngunit mahina nyang wika ayaw nyang makaagaw eksena sa lugar na iyon..   Inalalayan naman nang lalaki ang dalaga hanggang sa makaupo eto.."Please accept my apology, nagmamadali kase ako, here's my contack number kung may maitutulong ako sayo dont hasitate to call me para naman makabawi ako sa atraso ko sa'yo.." wika nang may kaedaran nang lalaki..   Lumabas ang lalaki nang hinatid nalang nang tanaw ni Samantha.. Pupunitin nya sana ang calling caed na bigay sa kanya nang matandang lalaki. Nang mapansin nya ang pangalang nakalagay doon. "Phillip Guazon, pamilyar ang pangalan nya,, teka baka mapakinabangan kita I'll keep you in my wallet.." wika ni Samantha sa sarili..   Ilang minuto nadin syang naghihintay ngunit wala parin ang kanyang mga kasamahan sa studio.. Kaya minabuti nyang tawagan ang isa nyang kakilala.. "Nasaan na ba kayo, nandito na ako sa restaurant at naghihintay.." bungad ni Samantha.. "Oh nandyaan ka na ba, nagbago kase nang location, nandito kami sa Tomas Morato.. Sunod ka nalang dito.."Wika naman nang isang dancer..   Di pa man natatapos magsalita ang kausap nang marinig ni Samantha na nagbago nang location, agad nyang pinatay ang kanyang cellphone. Tingin nya pinagkaisahan sya nang mga eto.. Kaya naman halos gusto nyang magmura sa galit sa mga eto. Minabuti nalang nya hintayin si Raffy malapin naman na ang oras nang usapan nila kaya eto nalang ang kanyang hinintay.. >>>>>>>> TBC <<<<<<<<      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD