'' THE TASTE OF SIN '' By :" Ms. Alejos " SUMAPIT ang takdang oras na hinihintay ni Patricia ang makita at makadaupang palad ang mapapangasawa nang kanyang pinaka mamahal na Don Phillip.. Kumatok sya sa hotel room kung nasaan si Samantha na inip na inip namang naghihintay sa sinabing katulong ni Phillip.. Kaya nang may marinig syang kumakatok pinagbuksan nya agad dahil alam naman nyang, eto lang ang kanyang hinihintay na pwedeng kumatok sa oras na iyon.. "Magandang umaga.. Ako si Patrcia.." maikling pakilala ni Patricia nang magbukas ang pintuan.. "Ako si Samantha.. Kanina pa kita hinihintay.. Pasok ka.." sagot naman nang dalaga na mas niluwangan pa ang pagkakabukas nang pintuan.. Pumasok naman si Patricia at inikot nang kanyang mga mata ang kabuuan nang silid ni Sam

