"M maganda ang maganda ang kinalabasan ng transaction natin kagabi kay Mr. Wutxie Eros. Sa tingin ko madadala na natin ang matanda sa susunod nating plano."
Tumaas ang sulok ng labi ng labi ni Eros, binalingan niya si Ellifard. Hawak nito ang isang kopita sa kamay.
"Yeah, just think positive. At pagkatapos nating makuha ang buong tiwala niya?" Tinaas niya ang kopita dito.
"....itatapon na lang natin siya sa kung saan." Dugtong niya saka nilagok ang hawak. Napailing naman ito.
"You're still cold-hearted badass Eros. Talagang marumi kang maglaro."
Nagkibit-balikat lang siya.
"This is a business Ellifard." Tipid na sagot niya dito saka niya nilapag ang hawak sa isang centre table.
"May plano ka pa bang bumalik sa France? Hindi ba may iniwan kang business don?"
"Hindi ko pa alam, nandon naman si Andres. Mas gusto ko kasing tutukan ang binigay sakin na pagkakataon ni Grey." Nakangising sabi niya. Kahit pa sa murang edad ay may napatunayan pa siya, hindi pa rin siya satisfy kung hindi niya mahahawakan ang organization ni Grey.
"You're a greedy man!" Natatawang sabi nito. Bigla naman niyang naalala ang babaeng 'yon kanina.
"And that woman? she's dead.... i will make her life miserable I swear."
"Hmm? Sino naman 'yan?" Tanong nito habang naglalakad papunta sa piano niya na nasa tabi katabi ng malaking portrait ng Lola niya.
"Hestia Isolde Dimaculda..... the only one who messed up with me. Huh! siya ang may gawa nito sa mukha ko." Sabi niya. Nilingon naman siya nito saka tinignan ang mukha niya. Natawa ito saka sumandal sa piano.
"Really? kawawa ka naman." Natatawang pang-aasar nito saka sinuksuk sa bulsa ang kamay.
"....Hestia Isolde Dimaculda." Usal nito saka ito napalabi.
"Bakit? kilala mo?" Tanong niya dito. Umiling ito.
"Nope, pang-Goddess kasi ang pangalan niya. Hestia, the virgin Goddess of the Hearth. And Isolde Irish from Athurian Legend. Hindi rin fanatic ng mga Goddess ang taong nagpangalan sakanya ha?" Natatawang sabi nito.
".....just like your parents. Eros the Goddess of Love and Thanatos the God of the death." He said while laughing. Mas lalong nagsalubong ang kilay niya.
"Whatever.... umalis kana." Pagtataboy niya dito. Napalabi naman ito saka ito umayos ng tayo.
"Mamaya nga pala darating sa underground si Grey at Sebastian mukhang may seryoso silang sasabihin satin. Kailangan nila tayo mamaya."
Tumango lang siya. Sumauludo ito sakanya bago umalis. Tumalikod na siya at tinungo ang hagdan. Nang marating na niya ang kwarto ay pabagsak niyang inihiga ang katawan sa kama. Saktong nakapikit na siya nang tumunog naman ang cellphone niya. Inis na kinuha niya 'yon.
"What the f**k you want?!" Naiinis na sabi niya.
"Ah.... senyor Eros, humihingi pa po ng dalawang buwan 'yong mag-ina eh. Wala daw silang malilipatan. 'Yun po 'yung lupa na pinabilin ni Madam limang taon na ang nakaraan." Sabi ng katiwala niya. Lalong lumalim ang kunot ng noo niya.
"Nagpadala na ako ng sulat sakanila ha? Sabihin mo sakanila na darating ako diyan ngayon din." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Mabilis siyang tumayo at kinuha ang helmet sa ilalim ng kama.
Kapag talaga mabait palaging inaabuso eh! kaya laging nauutakan ang mga magulang ko eh!
"ANAK pano 'yan? Hindi naman natin pwedeng iwan na lang basta 'to. Ito na lang ang tanging ala-ala satin ng papa mo."
Wala nagawa si Hestia kundi haplusin ang naluluhang ina. No'ng mga panahon kasi na nagipit sila nang operahan si Junior wala silang nagawa kundi ang isangla ang bahay nila. Mabuti na nga lang at mabait ang mag-asawang nakabili ng bahay nila dahil maari pa rin naman daw nila iyon tirhan hangga't hindi pa naiisip ng mga ito kung ano ang maaring ipatayo doon. Ngunit nagulat na lamang siya nang makarating sakanila ang isang sobre na naglalaman na ano mang oras ay kukunin na sakanila iyon. Nalaman din niya na umuwi na pala ang anak ng mga ito at mukhang don galing ang sulat na 'yon.
Huminga siya ng malalim at pilit na pinapayapa ang paghinga. Hindi pwedeng makisabay siya sa ina niya ngayon.
"Huwag kang mag-alala mama. Gagawin ko ang lahat para hindi mawala ang pinundar ni papa." Pag-aalo niya sa ina.
Bahala na kung anong mangyari...
"Mrs. Dimaculda nandito na po si Senyor..." Sabi ng isang may katandaan ng lalaki. Nakita niya mula sa pinto ang pagtabi ng mga ito. At mula sa pintong 'yon ay nakita niya ang isang malaking bulto ng katawan, kasunod nito ang mga tauhan nito.
Nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang lalaking 'yon...
Halatang nagulat din ito nang makita siya ngunit mabilis 'yong nawala at napilitan 'yon ng ngisi. Pailalim nitong nilingon ang mga tauhan sa likuran nito.
"Fous-moi la paix..." Waring nag-uutos na sabi nito. Agad namang tumalikod ang mga tauhan nito saka lumabas ng bahay nila. Muli itong bumaling sakanya at nakataas ang noong ningitian siya.
"Bonjour Mon Ange." Matiim na sabi nito. Napalunok siya habang nakatitig dito. At habang nakatitig siya dito naalala niya bigla ang isang title ng palabas na napanood niya....
Lumawak ang ngisi nito sakanya....
I saw the devil....
"Ah... ma pasok ka muna sa kwarto mo ako muna ang bahalang makipag-usap kay Mr. Moreau." Kagat ang labi na sabi niya sa ina.
"Pero anak---
"Sige na ma..." Ningitian niya ito saka inalalayang tumayo. "...ako na po ang bahala dito. Baka mabinat pa kayo."
Napipilitang sinunod naman siya nito. Hinatid naman niya ito kwarto nito sa pangalawang palapag saka siya bumalik sa sala kung saan nandon ang lalaking 'yon. Napairap siya sa hangin nang makitang parang haring nakaupo ang lalaking 'yon sa kawayan nilang upuan. Nililibot nito ang buong bahay nila saka nakaismid na parang nandidiri. Nagtitimping lumapit siya dito.
"Ikaw ba ang anak nila Mrs. Moreau?" Tanong niya agad dito. Nilingon naman siya nito.
"Hindi mo muna ba ako yayayaing magkape man lang o tubig?" Tanong nito. Palihim niya itong inirapan.
"Sige ano bang gusto mo----
"Wag na lang nagbago na isip ko." Putol nito sa sasabihin niya.
Kahit kailan talaga.....
"So, ikaw pala ang anak ng mga Dimaculda?" Sabi pa nito.
"Ako ang panganay nilang anak. Gusto sana kitang makausap ng harapan Mr. Moreau, natanggap na namin ang sulat na----
"Ilang taon na mula nang mabili 'to ng magulang ko diba? 'wag naman kayong masyadong abuso." Malamig na sabi nito. Parang gusto niyang kumuha ng dospordos at ihataw dito!
"Wala pa kaming malilipatan. Nakikiusap lang kami na sana kahit isang buwan lang manatili pa kami dito. Maghahanap muna kami ng matitirhan namin." Mahinahon pa ring sabi niya, hindi siya pwedeng makipagtalo dito dahil nakasalalay dito ang bahay nila na pinaghirapang ipundar ng ama niya.
"Problema niyo na 'yon."
Hindi na lang siya nagsalita dahil baka masigawan niya lang ito. Ayaw niyang marinig ng ina niya ang pagtatalo nila dahil baka sumama pa ang pakiramdam nito.
"Teka lang, ba't nakatayo ka diyan? Umupo ka nga dito 'wag kang mahiya." Nakangising sabi nito. Nanliit ang mata niya. Talagang inuubos ng lalaking 'to ang pasensya niya eh...
"Sige isang linggo, isang linggo lang hindi mo na kami makikita dito." Sabi niya pa na hindi sinunod ang utos nito. Bahala na, baka makiusap na lang muna siya sa mga kamang-anakan niya na don muna sila saka na niya iisipin kung san sila lilipat.
Umiling-iling ang kaharap niya saka tumayo. Napatingala siya dahil matangkad ito. Kinakabahang umatras siya nang humakbang ito papalapit sakanya.
"T-teka.." Kinakabahang nilayo niya ang tingin nang yumuko ito at inilapit ang mukha sakanya. Naamoy niya ang mabango nitong hininga na tumatama sa pisngi niya. Hindi pa ito nasiyahan, hinawakan nito ang baba niya at iniharap siya.
"Ano bang kaya mong ibigay para hindi ko kayo paalisin dito?" Tanong nito. Pakiramdam niya ay nanayo ang balahibo niya nang haplusin nito ang baba niya.
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Hindi ba importante sayo ang bahay na 'to?" Sabi pa nito at bahagyang nilapit ang katawan sakanya.
"Lumayo ka kung ayaw mong tagain kita.." Banta niya. Nagulat siya nang bigla itong tumawa. Napatingin siya sa mukha nito, halos mawala na ang mata nito habang tumatawa.
"Really?" Natatawang sabi nito saka lumayos na sakanya. Nakahinga siya ng maluwag. Muli itong humarap sakanya saka namulsa.
"Ikaw? ano bang kaya mong ibigay?" Tanong uli nito. Naisip niya bigla ang alkansya niyang baboy.
"Sandali diyan ka lang ha?" Sabi niya saka nagmamadaling tumakbo sa pangalawang palapag ng bahay nila. Pagdating niya sa kwarto ay hinanap niya sa ilalim ng papag ang alkansya at dali-daling lumabas. Hinihingal pa siya nang bumalik siya sa sala. Kita niya ang pagkunot ng noo ni Eros habang nakatingin sa hawak niya.
"What is that?" Tanong nito. Inabot niya ang hawak dito.
"Sigurado ako na malaki ng halaga ang laman nito. Ilang taon ko ring pinag-ipunan 'to. Sayo na 'to, pagbigyan mo lang kami ng isang linggo pa dito. Para mo ng awa may sakit si mama. Ang mga kapatid ko nag-aaral pa, wala pa 'kong trabaho." Pagmamakaawa niya dito. Ilang sandali siya nitong tinitigan.
"Pano ka pala nakapasok sa Montes University?" Tanong nito.
"Nakakuha ako ng full scholarship sa school. Pero sapat lang 'yon para sa pangangailangan ko sa school."
Basta lang siya nitong tinitigan.
"Alam mo bang marami tayong oras na nasasayang dahil lang sa pagtitig mo sakin? Kaya sige na tanggapin mo na 'to." Sabi niya at ipinilit sa dibdib nito ang alkansya. Tinapunan lang nito ng tingin ang hawak niya at muling tumitig sa mukha niya.
"Ilayo mo sakin 'yan, hindi 'yan ang kailangan ko." Malamig ang tinig na sabi nito saka siya tinalikuran.
"Pero Mr. Moreau!" Humabol siya dito. Huminto naman ito sa paglalakad at nilingon siya.
"Umalis na kayong mag-ina bukas na bukas din." Sabi nito saka siya iniwang nakatulala sa sala. Napakurap siya. Hindi niya alam na may ganito pa palang nabubuhay na tao! Walang puso ang hayop na 'yon!
Tumalim ang mata niya at tumakbo siya papunta sa pinto. Nasa labas na ito ng bahay nila. Kinuha niya ang bakya ng nanay niya at ibinato sa likod nito.
"Senyorito!" Alertong humarang ang mga tauhan nito dito.
"Ang kapal ng mukha mo! Wala kang puso! wala kang abdo! wala kang kaluluwa! Pag kami umalis dito lamunin mo 'tong bahay mo gago!" Sigaw niya dito at saka bumalik sa loob. Malakas niyang sinara ang pinto saka siya napasandal sa likod ng pinto. Hinihingal siya dahil sa sobrang galit dito. Mahaba ang pasensya niya pero hindi niya alam kung bakit pagdating sa lalaking 'yon ay umiikli!
That man! i hate him so much!