"MATAGAL pa bang matatapos 'to?" Napairap na lang si Hestia sa bulong ng katabi niya. Hindi pa nga halos nag-iinit ang pwet nila sa upuan eh. Binalingan niya ito. "Isang misa pa." Sabi niya dito saka siya tumingin sa harap ng altar. Niyaya niya muna ito sa simbahan bago sila manood ng sine. Parang bata naman na nagkamot ito ng ulo. Nakikinig naman siya sa sermon ng pari habang nararamdaman niyang naiinip na ang katabi. Nilingon na niya ito. "Halatang hindi ka nagsisimba. Iba ba religion mo?" Tanong niya dito. Umiling naman ito saka sumandal ng upo habang nakatingin sa harap ng altar. "I'm catholic." Sabi nito saka tinignan siya. ".....pero ni minsan hindi ako nagsimba. No'ng ten years old ako sinama ni mama dito. Then after that, wala ng kasunod." Tumango-tango naman si

