CHAPTER 36

2089 Words

Eyes "J-Jery..." Mahinang lumabas sa bibig ko. Napalunok ako nang inisang kamay niyang kinuha ang tray na hawak ko. Mabilis ang lakad niya at tinungo ang pinanggalingan ko. "Tita Sol.." Inilapag niya sa cupboard ang tray. "Hijo..." Kitang-kita ko ang pagtataka sa mga mata ni Tita Sol. "Kayo na po muna ang bahala kay Jake." Mariin ang mga salitang iyon. Napapitlag ako nang nakatitig siyang bumaling sa akin. "Follow me. Sa study room." At mabilis siyang naglakad palayo. Para akong robot na awtomatikong sumunod sa kanya. Hindi ko na nakita si Tita Sol, kung nagulat ba siya o nagtaka dahil para lamang akong basahan kung utusan ni Jery. Sa kahabaan ng malaking bahay ay may mga silid na nakapinid. Hindi ko alam kung ilan. Apat? Lima? Sa bilis ng lakad ni Jery ay parang hanging naraanan ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD