Wheelchair Mabilis ang galaw ko. Katulad noon. Noong nag-uumapaw pa sa kasalanan ang katauhan ko. Lahat ay sumasabay sa bawat indak at daloy ng musika. May mga sumisigaw at may mga tumatabi sa akin. Labo-labo na ang mga nakikita ko. Hanggang namalayan ko na lamang na nahulog ang nakatakip sa aking mukha. Kumakanta ako sa dilim ng paligid. Hindi ko na alam kung sino-sino na ang nakatapak sa maskarang iyon. Basta patuloy lamang ako sa pagbibigay ng saya. Natapos ang kanta at malakas ang palakpak na iginawad ng marami para sa akin. At sa ingay ng paligid, isang malakas at pamilyar na boses. "Miles... Miles dito..." Marami ang napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Napatda ako sa aking nakita. Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. Para akong nananaginip ng masama. Na sana ay walang

