Mylah Gate Minsan pa akong umikot sa harap ng salamin. Sinipat ko pang muli ang aking sarili. Nakasuot ako ng kulay rosas at walang manggas na wrap around dress. Above the knee ang haba at tinernuhan ng gladiator sandal na kulay itim. Simple lang ang napili kong isuot sa gabing ito. Simple ngunit nasiyahan ako sa aking itsura dahil mas lumitaw ang kaputian ng aking balat. Naglagay din ako ng manipis na make-up na halos hindi halatang meron nito sa mukha ko. Naisip kong matatawag itong isang date at ito ang first date namin ni Jery. Tuwang-tuwa nga si mama nang ibalita ko sa kanya na inaya ako ni Jery na lumabas ngayon. "Talaga? Totoo ba anak?" mulagat na tanong ni mama kagabi habang nasa harap kami ng hapunan. "Gusto raw niya akong i-treat dahil sa pagkaka-promote ko sa work," masaya

