Suman "Jery, ito ang kaisa-isa kong dalaga. Si Mylah." Sabi ni mama na sobra ang ngiti. Bago pa man nakapagsalita si Jery ay agad kong namataan ang kinakain niya. Ewan ko kung ano ang pumasok sa utak ko. "Ma, hindi ba para sa amin ni papa ang mga suman na iyan?" Minsan lang gumawa ng suman si mama at talagang masarap. Kaya nga inuunti-unti namin kainin iyon. Biglang nabulunan yata si Jery at agad na naubo. "Naku sandali! Bakit ba hindi ako naghanda ng maiinom?" Walang tubig na nakahanda kaya dali-daling nagtungo sa kusina si mama para kumuha ng tubig. Natatarantang nawala siya sa aming paningin. Paubo-ubo pa rin si Jery at hindi ko malaman kung ano ang gagawin ngayong naiwan kaming dalawa. Hindi ko napigilan na itaas ang isang kamay at hagurin ang likod niya. Dama ko ang lapad at init

