Mylah Text Home Owners Association Assembly. Masayang-masaya si mama habang naglalakad kami patungo sa opisina ng HOA, ilang kilometro lamang ang layo mula sa aming bahay. May dala kaming pansit na niluto niya. Nakagiliwan niya na magluto sa araw na ito para sa mga miyembro dahil daw na-promote ako sa trabaho. Hindi ko sinabi sa kanya na may kinalaman si Jery sa pagkaka-promote ko. Sigurado kasing hindi niya titigilan si Jery sa pagtanaw ng utang na loob. Tama na muna ang pansit na pinagtulungan naming iluto ng umagang iyon. Naiwan sa bahay ang aking magaling na ama na umaga na nakauwi. Ang saya-saya pa niyang niyakap si mama pagdating. Kung alam lang ni mama kung sino ang pinaghahalikan ni papa ng nagdaang gabi, siguradong mandidiri siyang humalik kay papa. Puting t-shirt at maong na

