Hawak na ni Jayzee ang susi ng chopper habang hinihintay sina Alfred at Margaux para puntahan si Marga sa probinsiya ng Quezon. Nanginginig ang kanilang mga kamay sa pag-asang buhay pa nga ang fiancée ng kapatid ayon na rin sa hepe ng pulisya na tumawag sa kanila. His Uncle Ezekeil even called the police officer and was told that Marga was really the woman waiting to be claimed. Wala itong maalala na kahit ano at sinamahan lang ito ng dalawang tao para hanapin ang tunay nitong pamilya. Sa ngayon ay hindi pa alam ni Ethan ang balitang iyon dahil gusto muna nilang masiguro na si Marga nga iyon. Natutunan na ng kapatid na ipagpatuloy ang buhay nito nang wala ang kasintahan at natatakot silang bumalik ito sa dati kapag nagkataong hindi naman pala si Marga ang babaeng tinutukoy ng mga pulis.
Tumunog ang telepono niya at nang tingnan ay si Cindy ang tumatawag. Lihim siyang napamura – mahigit isang linggo na mula ng ihatid niya ito sa condo at ilang beses pa siyang nagpatangay sa panunukso nito. Mula noon ay hindi na siya nito tinantanan ng tawag sa personal man niyang numero o sa opisina. Hindi naman nila pinag-uusapan kung anong klaseng relasyon ang meron sila kaya’t nakikipagkita pa rin siya rito. Pero habang tumatagal ay mas dumadalas ang pagtawag-tawag nito. And she was starting to irritate him. Gusto niya nang tigilan ang pakikipagkita dito.
“Bakit hindi mo sagutin kung sinumana ng tumatawag na iyan?” mataktikang wika ng ama. Kilala siya nito na kapag mga ganoong hindi niya binibigyan ng pansin ay may kinalaman iyon sa isang babae.
“It’s not important,” tipid niyang sagot.
“I told you to stop playing with women,” tila galit na wika nito. “Ipaalala mong kakausapin ko na si Octavio pagbalik natin galing Quezon. Baka magustuhan ko nang pumayag na ipakasal ka kay Anastacia.”
Anumang sasabihin niya ay naputol nang bumungad ang mag-asawang Alfred at Margaux. Agad nilang tinungo ang helipad ng building para puntahan ang kinaroroonan ni Marga. Siya ang nagpalipad ng chopper na madalas niyang gawin kapag may kailangang inspeksiyunin na eroplano sa mga airport sa Pilipinas. Si Margaux ay walang tigil sa pag-iyak habang nasa himpapawid at yakap ng asawa. Kalahating oras ay narating nila ang Pagbilao, sumakay sa trisekel at nagpahatid sa police station kung saan naghihintay ang tumawag at si Marga.
Shock was understatement when he saw Marga standing by the waiting area with a woman and a man; probably the people that gave her shelter for weeks. Hindi nakaligtas sa kanya ang itsura ng babaeng kasama nito – wearing Sunday dress like Marga did, with shoulder-length dark brown hair, and deep-set eyes that every man couldn’t resist. Agad niyang ipinilig ang ulo at itinuon ang tingin kay Marga na noo’y nakitaan niya ng sandaling takot – na agad namang kinausap ng babae bago ito bahagyang napalagay. Halos panawan naman ng ulirat si Margaux pagkakita sa anak, at kahit si Alfred ay hindi napigilan ang pagluha nang yakapin ang anak.
"She's your mother, Marga. Huwag kang matakot," wika ng babae na tila isang musika sa pandinig niya kaya’t muli niya itong tinitigan. Si Margaux ay nasa harap ng anak at hinaplos ang mukha nito habang patuloy pa rin sa pag-iyak – dala ng matinding kasiyahan sa pagbabalik ni Marga. Lahat ay emosyonal sa tagpong nasa harap nila.
"Iuuwi na namin siya ngayon," wika ni Alfred sa babae. Agad hinawakan ni Marga ang kamay nito na tila sinasabing huwag siyang ibigay.
"Your daughter might be suffering from a trauma, Mr. Mortel," wika nito kay Alfred. "Ipinangako naming hindi namin siya pababayaan hangga't hindi siya ligtas at panatag."
"Then you should come with us." Inabot niya ang kamay sa dalaga at nagpakilala. "I'm Jayzee Albano, Marga's supposed to be brother-in-law," wika niya na tinanggap naman nito.
"Anikka," matipid nitong sagot.
"Hindi ako pwedeng sumama sa Maynila, Anikka. Walang makakasama si Tatang," tutol naman ng lalaking kasama nila na nagpakilalang Gabriel.
"Then, I'll go with her," mabilis nitong sagot sa lalaki. Kung kaano-ano ito ng dalaga ay hindi niya alam. Kahit paano’y may panghihinayang siyang naramdaman nang isiping baka magkasintahan ang dalawa. Pero ikinatuwa rin niya ang narinig na sasama si Anikka sa kanila para samahan si Marga.
"You don't know these people," pagtutol ni Gabriel kay Anikka na umabot sa pandinig niya. Agad namang sumagot ang babae dito.
"Mukha naman silang mababait, Gabriel. No need to worry. Kung may mangyaring masama sa akin ay puwede mo silang balikan. They have records here, remember?"
"Kung inaalala mo'y ang kaligtasan ni Anikka ay makakaasa kang hindi namin siya pababayaan,” wika niya at umaasang hindi ito makikinig sa pagpipigil ng lalaki na sumama sa kanila. "Utang namin sa inyo ang buhay ni Marga, gusto rin naming gumanti ng utang na loob."
Walang nagawa si Gabriel nang magpilit itong sumama kay Marga kasama sila. Pagkatapos ang ilang police report na kailangan nilang pirmahan ay umalis na sila sa lugar na iyon kasama si Marga at Anikka. Si Marga ay sandaling tumigil sa paglalakad nang matantong sasakay sila sa chopper.
"It's okay, Marga,” muling wika ni Anikka. “Wala na ang masasamang taong nagtangka sa buhay mo. Sila ang pamilya mo, trust them."
Sa nanginginig na katawan ay pinilit ni Marga na sumakay doon na agad nitong tinabihan. Humanga siya sa kung paano nito alagaan si Marga. Pero sa lahat ng pagkakataong tinititigan niya ito’y umiiwas ito at ayaw kahit man lang ang magtama ang kanilang paningin. Sa unang pagkakataon sa buhay niya’y may isang babaeng tila dumi-distansya sa halip na ilapit ang sarili at akitin siya.
Sa isang ospital sa Makati nila dinala si Marga kung saan naka-destino ang Uncle Zandro niya para masuri ang dalaga. Pagkakita nito dito'y agad ding niyakap habang si Marga ay nanatili ang kalituhan sa mga nangyayari. Habang sinusuri ang dalaga ay nanatili sila sa opisina ni Zandro.
"Paano siyang napunta sa inyo?" tanong ni Margaux kay Anikka.
"Nakita siya ng ama ni Gabriel isang umaga sa gitna ng gubat na tumatakbo at takot na takot, puro galos at pasa sa mukha at katawan. Bihira ang kabahayan doon kaya kinausap ni Tatang ng masinsinan hanggang sa sumama ito sa kanya. Wala siyang maalala kahit ang pangalan niya," tuloy-tuloy nitong pahayag.
"Bakit hinintay niyo ng ganito katagal bago niyo ibinalik sa amin?" tila pagalit pa na wika ni Margaux. Siya ay nanatiling nakatitig lang kay Anikka.
"I'm sorry Mrs. Mortel, pero tulad ng sabi ko'y nasa gitna kami ng gubat. Ang tanging paraan para makapunta sa bayan ay ang tumawid sa ilog at sumakay ng bangka. Pero dahil katatapos lang ng isang malakas na bagyo ay nasira ang hanging bridge na puwede naming daanan."
Isang mahabang katahimikan ang namayani.
"Bakit niyo inakalang patay na si Marga?" ito naman ang nagtanong.
"May bangkay na babaeng nakuha sa pinangyarihan ng aksidente kung saan sumabog ang kotseng akala namin ay kinalululanan niya. That woman was wearing the ring that her fiance gave her. Pulis ang nagdeklara na siya ang anak naming kahit pa wala pang result ang DNA test," sagot ni Alfred.
"Nabanggit niyang nanaginip siyang may nagbigay ng singsing sa kanya pero kinuha rin pagkatapos."
"Lagi ba siyang nananaginip?" tanong niya dito. Sa pagkakataong iyon ay sinalubong na nito ang tingin niya bagama’t halatang hindi ito komportable.
"Yes. Sa unang mga gabi ay parati siyang napapasigaw hanggang sa magising. May mga humahabol sa kanya hanggang sa masilaw siya ng ilaw. She was so afraid. Pero habang tumatagal ay nawawala na rin ang masamang panaginip na iyon. But there's one particular man that kept on chasing her on her dreams. Sa panaginip niya'y lumalayo ang lalaking iyon na nagpapabigat ng damdamin niya."
"Ethan..." mahinang sagot ni Margaux.
"Yeah, heart never forgets," pagsang-ayon naman niya habang nakatitig kay Anikka. Kung bakit niya nasabi iyon habang nakatitig sa mukha nito ay hindi niya maintindihan.
Makalipas ang halos isang oras ay bumalik si Marga kasama ang Uncle Zandro niya na sumuri dito.
"She’s having anterograde amnesia; a partial memory loss which is common. Kailangan lang natin siyang obserbahan, pero bukod sa paminsan minsang pagsakit ng ulo ay wala naman siyang ibang nararamdaman. Clear ang lahat ng examinations niya, pwede na siyang iuwi. Itawag niyo na lang sa akin kung may mapansin kayong kakaiba sa kanya."
"Hanggang kailan siya hindi makakaalala?" tanong ni Margaux. Labis itong nag-aalala sa kalagayan ng anak na hanggang ngayon ay estranghero pa sila sa dalaga.
"We wouldn't know. Kaya mas mabuti na nasa lugar siya na pamilyar sa kanya, at kausapin ang mga taong lagi niyang kinakausap para mas mabilis ang pagbabalik ng alaala niya. Sometimes, that happens due to the trauma that she experienced. Dadaan na lang ako sa inyo araw-araw para masuri siya," pangako naman ng Uncle Zandro niya. Nagdesisyon silang i-uwi na ito sa bahay ng mga magulang nito.
"Okay ka na ba? Hindi ka na ba natatakot?" tanong ni Anikka kay Marga. Hindi sumagot si Marga na tila inaalala kung saan sila naroon dahil inililibot nito ang paningin sa kinaroroonan nila. Nang akayin naman ni Margaux ang anak ay sumunod naman ito. Si Anikka ay nanatiling nakatayo habang hinihintay na makalabas ang lahat.
"Sa akin ka na lang sumabay," wika niya dito. Mabilis naman itong tumanggi.
"No. Hindi na ako kailangang sumama. Nasa mabuting kalagayan na si Marga."
"Please give us a time to repay the goodness you have done to her. At dahil dinala ka namin mula sa Quezon ay responsibilidad ka namin dito," pagpipilit niya. Wala naman itong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Habang naglalakad ay naka-alalay ang kamay niya sa likod nito na hindi naman tumanggi. Pero nararamdaman niya ang bahagya nitong pag-distansya sa kanya.
Pinagbuksan niya ito ng pintuan ng kotse at sumakay ito sa passenger's seat. Dumaan sa ilong niya ang mabangong amoy nito at agad umahon ang init sa katawan. Nang sumakay siya sa driver’s seat ay pumuno na ang pabango nito sa kotse niya. It was like vanilla. And he couldn’t believe that it would really attract a man’s senses.
"Taga Quezon ka ba talaga?" tanong niya dito dahil hindi naman ito mukhang probinsiyana. The way she walks and talks appeared that she was more than that. Makinis rin ang kutis nito at maputi bagama’t may bakas din ng mga galos na hindi niya alam kung ano ang mga iyon. At sa malapitan din ay kita ang mumunting balahibo nito na nakadagdag sa atraksyon nito. Kung pisikal ang pag-uusapan ay tiyak na marami ang nahuhumaling dito.
Except him – he hoped.
“Hindi. Nakikitira lang ako sa pinsan ko, kina Gabriel,” sagot nito. Kung bakit siya natuwa sa nalamang pinsan nito ang lalaking iyon ay hindi niya matiyak.
"How old are you?" muli niyang tanong.
"Twenty-three."
"You're a year older than Marga," komento niya. Nanaig naman ang katahimikan pagkatapos noon.
"May ideya ba kayo kung sino ang kumidnap kay Marga?" tanong nito habang nakatuon ang tingin niya sa daan.
"Ethan's cousin. Kung bakit ay hindi namin alam dahil kasama siyang nasawi noong araw na iyon. Nabangga rin ang sinasakyan nila ng isang trak."
"Must be because of money," wika nito na agad bumakas ang lungkot sa mga mata at itinuon ang paningin sa labas ng kotse.
Sa bahay nila Margaux sila tumuloy para matingnan ang kalagayan ni Marga ngayon. Pilit namang inaalala ni Marga ang lahat pero umiiyak ito kapag walang bumabalik na alaala. Dinala ito ng ina sa sarili nitong silid at sumunod naman sila pati si Anikka. Nang lumabas si Marga sa balkonahe at sandaling nilukob ng takot ay nagsalita si Anikka.
"She was afraid of heights. Kahit nang itawid namin siya sa tulay ay kailangan pa siyang buhatin ni Gabriel dahil sa takot niya," kuwento nito. Nang magpasya si Margaux na hayaan munang magpahinga si Marga ay bumaba sila sa sala at doon naghintay.
Ilang sandali naman ang lumipas ay dumating na ang kapatid na halos takbuhin ang silid ng kasintahan. Umakyat silang muli para saksihan ang muling pagkikita ng dalawa. It was like in the movies. Lahat ay emosyonal lalo na ang kapatid na walang patid ang pagluha. Lumabas siya at itinukod ang braso sa balustre doon.
"Are you okay, Marga?" Narinig niyang tanong ni Anikka kay Marga.
"Sumasakit ang ulo ko," sagot naman ni Marga. Nang lumingon siya’y nakita niyang tinungo ni Ethan ang balkonahe na tila naghihirap ang kalooban. Sa pagkakaintindi niya sa mga nangyayari ay naalala ito ni Marga pero ang mga iyon ay ang masasakit na parte ng pag-ibig nito kay Ethan.
Lumipas ang ilang oras sa paghihintay nila sa pagbabago ng kundisyon ni Marga. Si Anikka ay tahimik lang na nakaupo sa hardin na tila malalim rin ang iniisip. Her beautiful face speaks thousands of emotions that he could not read. Something like loniless or sorrow. Or both.
Pagdating ng hapunan ay maayos na ang kalagayan ni Marga na ipinagpapasalamat nilang lahat. Unti-unti ay nagkakaroon na ng sigla at kulay ang mukha nito. Pagkatapos ng hapunan ay ipinagpaalam niyang ihahatid niya si Anikka sa hotel para doon muna magpalipas ng magdamag. Narinig niya sa pag-uusap ni Anikka at Marga na mananatili sa Maynila ang dalaga sa kung anumang kadahilanan. Hindi man niya aminin ay masaya siyang hindi pa ito uuwi sa Quezon.
There’s a power within him wanting to see her again.