NINE
PRISTINE
My trip to States took almost thirteen hours. Uncle Rouge and Aunt Jenah picked me up on the airport with my cousins, Elyana and Glincy. Ely is ten while Glincy is six. Both of them gave me a sweet smile and a tight hug thr moment they saw me.
Sa byahe patungo sa kanilang bahay, hindi ko maiwasang mamangha sa mga nadaraanan namin. Akala ko ay marangya na ang Astrid ngunit doble pa pala ang makikita ko rito. The architecture of the place, from tall buildings and bridges, left me in awe.Malamig ang klima ngayon kaya halos lahat ng taong nadaraanan naming naglalakad sa sidewalk ay makakapal ang mga suot.
Nang marating namin ang bahay nina Uncle Rouge, hindi ko maiwasang mapangiti. Their house is two-storey with cream and brown paint. Sa higanteng front door ay may nakaukit na ulo ng lobo at palaso ng hunters.
Uncle Rouge and Aunt Jenah are proofs that hunters and lycans can be together. To become one. To have a family.
They decided to live here to keep the kids away from the toxic people from Aunt Jenah's side. Unfortunately, may ilan pa rin talagang hunters na hindi tinanggap ang naging desisyon niya. It just so happened that Uncle Rouge had no plans of letting her go. Halos saluhin niya ang lahat ng palaso at bala makuha lang si Aunt Jenah sa kanyang clan.
I am aware about Mum and Uncle Rouge's history but everytime I see him with Aunt Jenah, I can't help but admire him. He's just like Dad. He's willing to put everything he has on the line for the love of his life.
After Uncle Rouge decided to stay away from Aunt Jenah and his pack, naipasa kay tito Calix ang pagiging Beta sa Aslaine. I heard he's doing great. Malaki na ang inimprove ng Rosset dahil sa pack ni Uncle Hank. They are now the most successful place in their district.
Aunt Jenah helped me unpack my things. Nang maiayos na namin sa closet ang mga gamit ko'y nagpaalam siyang ihahanda lamang ang hapunan.
Humikab ako saka tumango. "Magpapahinga na rin po muna ako." Untag ko.
She gave me a half smile before she nodded her head. Nang tuluyan siyang lumabas ng kwarto ay ibinagsak ko ang aking katawan sa kama.
I took in a sharp breath as I stare at the white ceiling. I wish I'd survive this. Ngayon pa lamang ay marami na akong na-mi-miss.
I shut my eyes and linked my mind to Dad. "I'm here, Daddy..."
"How was your trip, honey? Mum's been missing you already." He mumbled softly.
"Long and tiring, Dad this place is so great. Tell Mum I miss her so much, please?" Untag ko.
"I will, honey. I love you and I miss you. No boyfriends. Opo?" Paalala niya.
Napangiti ako. "Opo."
"Good girl." He murmured.
I let out a sigh after. Dinukot ko ang phone ko at binuksan ang aking social media account. I browsed and found myself looking at a certain profile. Napasimangot ako nang makitang hindi pa rin niya ina-accept ang friend request na ipinadala ko.
I tapped the message button and started typing.
"Why aren't you accepting my friend request?"
I stared at my phone's screen for seconds, waiting for his reply. Nang mangalay ang aking kamay ay inilapag ko ito sa aking tabi saka ako bumuga ng hangin. He must be really busy with his training. Malapit na siyang maging Alpha. Siguradong puspusan na ang paghahandang ginagawa nila ni Alpha Pearce.
My phone beeped. Halos mapabalikwas ako ng bangon para tignan ang mensahe.
"Umuwi ka muna. Saka ko i-aaccept 'yan."
Mahina akong natawa. I tapped the call button. Nang sagutin niya ang tawag ay hindi siya kaagad nagsalita.
"Nagbibiro ka lang hindi ba?" I mumbled.
"Kailan ako nagbiro, Hope?" Seryoso niyang tanong.
Napairap ako sa kawalan saka ko ibinagsak ang katawan ko sa kama. "Kinuha mo na nga iyong painting eh. Masyado ka nang maraming collaterals na nakuha para sa utang na sinasabi mo."
He chuckled softly that sent chills down my spine. Napakasarap sa tenga ng kanyang halakhak.
"I told you. Makukuha mo lang 'yon kapag umuwi kang walang boyfriend." Untag niya.
"Blackmailer." I pouted. "Paano kung magkaroon ako ng manliligaw dito?"
Bigla siyang tumahimik sa kabilang linya. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang kakaibang kirot. Bumigat ang aking paghinga at naging ginto ang aking mga mata.
"C-Chad...a-ang sakit ng dibdib ko..." Hirap kong sambit.
He let out a sharp sigh. "You felt that, huh?" May bahid ng inis niyang sabi.
Kumunot ang aking noo ngunit nawala ang kirot ng aking dibdib. "A-Anong ibig mong sabihin?"
"That's for you to find out thou alam kong alam mo na 'yan, Ris. Masyado ka lang indenial sa sarili mo." Seryoso niyang tugon.
"R-Ris?" I felt a sting on my chest. "B-Bakit Ris? G-Galit ka?"
He sighed. "Hindi pa ba obvious?"
Nakagat ko ang ibaba kong labi. Dumapa ako sa kama at niyakap ang isang unan. Napakabigat ng pakiramdam ko dahil sa tono ng pananalita niya. Para bang ayaw kong ganoon ang itinatawag niyang pangalan sa akin.
"I was just kidding, Chad." Maliit ang boses kong sabi.
"I hope so." Halata pa rin ang tampo sa kanyang tono.
I chewed my lower lip and shut my eyes. Sa isang iglap, nakita ko sa aking isip ang kanyang gwapong mukha.
He looks dangerous with his well defined jaw and fierce-looking eyes. Tila ba kayang-kaya ka niyang tunawin sa isang titig lamang.
And his lips...I can still feel its tenderness against mine. His hot, minty breath filtering on my mouth, his gentle movement with his every kiss.
Napahilamos ako ng aking palad sa aking mukha. Bakit ko iniisip iyon? Do I lust for Chad? Malalagot ako kay Daddy sa mga naiisip ko.
"Ris..." He mumbled.
Sumimangot ako. "Call me Hope. Naiinis akong marinig ang Ris mula sayo." Untag ko.
Mahina siyang natawa. "Why? Does it sound better if I'm the one calling you by your second name?"
Napalunok ako at pinamulahan ng pisngi dahil sa narinig. I can imagine him smirking right now.
"Ris..." Untag na naman niya.
I rolled my eyes. "I said Hope."
"Hope..." He mumbled in a gentle tone. He took in a deep sigh then released it. "My dear Hope..."
Nakagat ko ang ibaba kong labi sa narinig. Dama ko ang pag-init ng aking mga pisngi.
"B-Bakit meron pang my dear?" Untag kong pilit pinipigilan ang pagngiti.
"Wala. Bawal ba? Would you rather have Knight call you that way?" May bahid ng inis niyang tanong.
Napabuntong hininga ako. "Chad...Wag ganyan."
He sighed sharply. "Sorry."
Napangisi ako. "Selos ka kay Knight?" Biro ko.
Umismid siya. Mayamaya'y binaba niya ang tawag dahilan para mangunot ang aking noo ngunit nang saktong tatawagan ko siyang muli, isang pamilyar na tinig ang narinig ko sa aking isip.
"I am...dati pa...palagi...Oo."