TWENTY FOUR KNIGHT Bumagsak sa harap ko ang Hellion na tinamaan ng baril ni Luna Tracy. Ang hawak ko naman ay ihinagis ko sa ilan pang wala nang buhay na kasamahan nito. I wiped the blood below my lips using the back of my hand before I scanned the whole place. Naalarma ako nang hindi ko na makita si Bianca sa pwesto niya kanina. "Bianca..." I muttered, my heart began to poud harder. Tumakbo ako at sinubukan siyang hanapin. I followed her scent until I found myself inside the abandoned house. Para akong tinakasan ng lakas nang makita ang tatlo. Si Chad at Ris ay magkahawak ang kamay na nakahiga sa sahig, walang mga malay habang si Bianca ay bumibigkas ng orasyon. Nanginginig na ang mga kalamnan niya dahil sa lakas ng spell at may dugo nang lumalabas sa ilong niya dulot ng sakit.

