"Shutakels talaga mga ka group natin, umuulan na wala pa din sila!" reklamo ni Tenshi sa babaeng babaeng paraan. Tiningnan ko ang cellphone ko, 9 a.m. Ang usapan namin 8 ng umaga, umulan na at lahat lahat wala pa din sila. Kaya ubod ng reklamo si Tenshi ngayon. "Kainis talaga, sarap sabunutan!" bigla akong tumingin kay Tenshi. Nakita niya iyon at tumaas ang kilay nito. "Bakit? Ngayon ka lang nakakita ng magandang nagrereklamo?" mataray na tanong nito, umiling ako. "Kaya mo sabunutan si Kevin?" iyong crush niya sa classmate namin, 7:40 ako pumunta sa meeting place, tapat lang ng school toh and may mga restaurants sa tapat. Pagdating ko doon ay ang aga ni Tenshi, sabi niya kanina pa daw siyang 7:00, halatang excited makita yung crush niya. "Hindi ko siya sasabunutan, yayakapin ko siya ng

